Lumipas pa ang ilang buwan nang maka-recover na si Sweetie sa kanyang mga natamong sugat. Hanggang ngayon ay wala pa rin itong naaalala sa mga nangyari at sa kanyang nakaraan. Kinikwentuhan naman siya ni Tristan tungkol sa kanilang nakaraan noong silang dalawa ay bata pa. Pinakita niya ang mga pictures nila noong mga bata pa sila sa bagong tirahan nilang dalawa sa isang village sa isang probinsya. Namumuhay silang dalawa na tahimik at normal. “Yan, si nanay Magdalene. Siya yung nagpalaki sa ating dalawa. Gusto kong maalala mo siya kasi napakabuti niyang nanay sa ating dalawa,” ngiti ni Tristan habang pinapakita niya ang larawan nilang dalawa kasama si Magdalene. Nakaupo ang dalawang bata sa mesa habang may hawak na mga sitaw na nakarubber band na ipinatong sa ulo ni sa batang babae na s