Shelly I was going to take a taxi home pero sinundo ng driver si Bernard and he offered me a ride home. Dahil maayos na kami ay tinanggap ko ang alok nya. Pagod na pagod rin ako sa byahe at hindi ako nakatulog ng maayos. Para akong binabangungot sa nakita ko noong gabi ng party. Ipinababa ni Bernard sa driver ang gamit ko at ipinasok sa loob ng bahay. Idinaan lang nila ako sa bahay ko at umalis na rin para makapag pahinga ako. I locked the front door at nagdiretso sa kama ko. I turned on my phone at nakatanggap ako ng message sa social media account ko. May message doon mula sa kapatid ko, tinatanong nila sa bahay kung nakarating na ako. Nagreply ako na kadarating ko lang. Then there's a message from Rafe and a friend request as well. Hindi pa nga pala kami naka-add sa isa't isa. Noo