Shelly Nang magising ako ay pasado alas syete y media na. Nakahiga ako sa sofa at may kumot. Una kong nabungaran si Bernard sa katapat na silya at may kausap sa telepono nya. Ngumiti sya sa akin at ibinaba ang tawag nya. "You're awake. You must be starving. I ordered some food hindi ko alam ang gusto mo kaya nag order ako ng magkakaibang dishes." "Thank you Bernard. Can you tell me what happened?" ang naalala ko lang ay nahilo ako ng tumayo ako at bukod doon ay nagdilim na ang paningin ko. "We both got up when you signed the paperwork and I noticed you went pale. The next thing I know you blacked out at sinalo kita." "Thank you Bernard." Naupo ako sa sofa. Ramdam na ramdam ko ang gutom ko ngayon. "I'll heat up the food and bring it to you here. Don't move baka mahilo ka na naman." b