Mabilis na hinila ko ang baril na itinutok sa akin ni Leonardo. Kasunod ay tinuhod ko si Angel na siyang nakadagan sa akin, narinig ko pa ang pag-igik nito. Dahil din sa ginawa ko ay nagpagulong-gulong ito na namilipit sa sakit. Naku! Mukhang nadali ang buto sa likod nito. Pake ko? Wala. Walang ibang nakialam sa rambol namin, dahil abala na ang mga kaibigan ko sa kanila. Kanina pa sila narito. Hindi lang pansin, dahil mas nauna pa sila kaysa sa amin no'ng mga lalaking dumukot sa amin. Si Leonardo na akmang lalaban na'y agad kong hinila ang braso, saka ipinukpok sa batok nito ang baril. "Itumba n'yo si Mace!" sigaw ng matanda. Pero walang tauhang lumapit dito. Paano pang lalapit kong bugbog sarado na sila? Muli kong inihataw ang baril sa batok ng matanda. Bumagsak itong muli na para