Pinupog nang halik ni Mec ang anak naming si Baby Macang. Ang hagikgik ng bata ay hindi maampat-ampat dahil sa galak nito. "I'm your daddy, my love." Maluha-luhang ani ni Mec. Iyong sakripisyo namin para lang matiyak na hindi ito madadamay sa gulo ay grabe. Kinailangan hindi makita ng lalaki, hanggang video call lang. Ako naman ay talagang inilayo ko muna ang sarili ko sa kanya. Ingit na ingit nga ako sa tuwing nagbo-bonding ito at sina mommy. Pero ngayon, pwedeng-pwede ko na siyang mayakap at makasama ng walang pag-aalinlangan. Iniharap ni Mec si Baby Macang sa akin. Agad napangiti ang malusog kong anak. "Hello, anak!" naluluha kong bati sa bata. Agad itong nagpapasag na parang gustong magpakuha. Kaya naman kinuha ko ito. Saka naman dumikit pa lalo sa tabi ko si Mec at niyakap kam