Ang mahabang kalsada ng The Alpha's Town ay dinesenyohan dahil sa binyag ng anak namin ni Mec. Imbitado ang lahat ng kaibigan namin sa binyagang ito. Lahat ng kaibigan ni Mec ay Ninong, lahat naman ng kaibigan ko'y ninang. Pinayagan sila ni Lady A na dumalo sa binyag ng anak ko. Malaya na ako sa kulto ni Lady A, hindi na rin ako tatanggap ng misyon pagkatapos ng successful na misyon ko. Ang focus ko ngayon ay ang anak ko, asawa ko at ang pag-aaral ko. Balak ko kasing sa sunod na school year ay maipagpatuloy ko ang pag-aaral ko. Balak ko namang mag-tapos, na delay man, ayos lang. May panahon pa naman ako. Nauunawaan naman ni Mec ang hangarin kong matapos ang kursong kinuha ko. Oo nga pala, nang imbitahan ko ang mga kaibigan ko na magtungo sa The Alpha's Town ay wala silang kamalay-malay