"Mec, tutal wala pa naman sila Mace. Isasaglit muna namin nila yaya si baby para palitan ng diaper." Paalam ng ginang. Nag-poop ang bata. Obvious masyado kahit open area, dahil sa amoy. Kaya agad akong tumango. Wala pa rin sina Mace. Naghihintay na rin ang pari, panay na ang sipat ko sa orasang pambisig para tiyakin kung anong oras na. Wala pa rin kasi akong nakita kahit isa sa anino ng mga babaeng kasama sa entourage. "Hindi sinasagot ni Naz ang tawag ko." Dinig kong ani ni Gage. "Ako nga rin." Sagot naman ni Landon. "Busy pa siguro sila Rein." Tukoy nito sa asawa n'ya, na kapatid ni L.A. Ang mag-asawang Timothy at Claudette Faullo ay nakadalo rin sa araw na ito, late na nga silang nakapagsabi na dadalo sila dahil medyo naging busy raw sila. Iyong mga bigating Ninong at ninang a