Nakita ko ang mabilis na pagtakbo pa ng iba. Mabuti na lang malayo pa ang port. Kaya tuwid na akong tumayo. Saka inihanda ang barili ko. Itinutok at walang pag-aalinlangan na kinalabit iyon. Bagsak. Ang astig ko talaga. Kaya baliw na baliw ang asawa ko, eh. "Kilos, Mace. Feeling ko'y pinupuri mo na naman ang sarili mo." Pasaring ni Ate Garette. Kaya naman automatic ding napatakbo ako. Sinalubong na rin ng mga girls na nasa port ang mga nakapuslit sa amin. "Ang mga bata?" agad kong tanong. "Nailipat na sila ng container. Mas mabuting doon muna sila, dahil mahirap ilabas." Lakad-takbo pa ang ginawa namin. Pinalibutan ang container para bantayan. Hingal na hingal man, handa namang depensahan ang mga kawawang bata. "Iyong kaibigan ni Leonardo?" sa sobrang hingal ko'y para na la