"Balak nilang ibiyahe ang mahigit limampung kababaihan, edad siyam hanggang laging pito." Iyon ang isa sa natuklasan namin dahil sa mga listahan na naroon. Pati address kung nasaan sila, at kung saan sila dadalhin. Pagpasok sa opisina ng asawa ko, pagkatapos kong sundan ito'y umalis na rin ako pagkahatid ko rito nang hindi n'ya alam. Dumeretso ako rito sa head quarters kung saan busy ang lahat. "Kailangan natin silang makuha at mailigtas agad." Sagot ko naman. "Magaganap mamayang madaling-araw ang kanilang transaksiyon sa kliyente nila." "Halos lahat yata ng illegal ay ginagawa ng grupong ito." Komento ni Zen na nilalaro ang ballpen sa kanyang kamay. "Mace, kapag nabawasan ang pwersa ng mag-ama. Pwede mo nang i-trigger si Angel para atakihin ka." "Yes, Lady A." Ngumiti pa ako rito. "