Nakarinig ako nang malakas na kalabog. Sunod ay mahabang katahimikan. Maingat akong sumilip. Ang tatlong lalaki ay nakabulagta na. Hindi ko na idedetalye pa ang ayos nila. Dahil silang tatlo ay walang saplot at magkakahugpo--- ah basta! Isa-isa ko silang hinila patungo sa isang cubicle. Saka ko isinara ang pinto. Nang matapos ay pinatay ko ang ilaw para hindi agad mapansin. "Nahagip ka ng camera ko, Mace. Kumaliwa ka ng daan. May paparating sa kanan, kaya naman hindi ka roon pwedeng dumaan. Nagsisimula nang magbagsakan ang mga nakainom no'ng tubig. Pare-parehong high ang lahat, kaya hindi pa nila pansin ang nangyayari." Tumakbo ako sa direction na sinabi ni Ate Garette. Narating ko ang isang opisina, nasabi kong opisina. Dahil may nakasulat sa tapat ng pinto na 'opisina' ang talino