Pinanonood ko lang si Mec, kung paano n'ya lagyan ng kape ang tasang hawak n'ya. Kung paano n'ya iyong isaboy sa lababo. Saka tutungo sa water dispenser para lagyan ng malamig na tubig ang tasa. Hinalo nito iyon, saka naupo sa stool na nasa tabi ng bar counter n'ya. Patuloy sa paghalo, habang nakapangalumbaba lang ako rito. Inihipan pa nito saka marahang hinigop iyon. Parang timang naman ito. Ilang ulit itong umihip muna saka humigop. Nang maubos n'ya ay tumayo na siya at inilagay sa lababo ang tasa. Saka siya lumapit sa akin, wala pa rin sa sarili. Binuhat ako at dinala sa balcony. Medyo kinabahan ako, baka kasi bigla na lang n'ya akong itapon doon. Pero hindi naman. Pinaupo n'ya ako sa couch. Saka s'ya tumunganga na naman. Tengena nito. Hindi yata kinaya ng utak nito ang mga is