Gumuhit ang matinding selos sa mukha nang magandang dalaga sa harap namin. "Mr. Satte, gusto mo akong maging date? Dapat kanina mo pa ako niyaya." Biro ko sa lalaki. "Well, nahiya naman kasi ako. Masyadong sexy ang babaeng nakakubli ang mukha sa maskara. Pwede ko bang makita?" malanding Mec. Malandi! "Well, pwede mo namang makita kung pati damit ko'y hubad na rin sa harap mo." Nagtawanan ang mga kaibigan namin sa harap-harapan landian naming dalawa. "Ahmm." Tumikhim-tikhim pa si Angel. "M-ec, pwede ba tayong mag-usap? K-ahit saglit lang." She's crazy. Hindi ko alam kung bakit maluha-luha ito. Samantalang hindi naman nito nobyo ang or fiance ang lalaking kaharap. "Sorry, I don't know you. Gusto mo bang magsayaw?" baling ni Mec sa akin. "Ahh, paano siya? Parang maiiyak na siy