"Wala bang magiging Macang 2.0? Ipinutok ko sa loob." Nakangiwing ani ni Mec habang kumakain kami. Hindi rin naman ito nakapagpigil kanina. Itinulak na lang ako pahiga sa kama saka binanatan. Masakit tuloy ang pagitan ng hita ko. "Wala. Bago ako umuwi rito... 3 weeks ago nagpa-shots na ako. Hindi ako mabubuntis." Confident na ani ko. "Well, blessings sa atin ang baby. Pero tama lang din na hindi muna. Gusto kong kapag okay na ang lahat, solo muna ni Macang ang atensyon natin." "Iyan din ang naisip ko." "Mace, paano nga pala ang pag-aaral mo?" tanong nito sa akin. "Ipagpapatuloy ko iyon kapag okay na ang lahat. Tatapusin ko ang kursong kinuha ko. Para naman hindi nakakaalangan na tumabi sa 'yo, Mr. Achiever." Biro ko. Bumuntonghininga ito. "I'll support you. Gusto kitang makitang