Chapter Ninety-four

2050 Words

"Nasaan ka na?" sampung beses iyong in-send ni Mec sa akin. Oras ng trabaho nito, pero ginagambala ako. Dapat ay focus ito sa opisina, pero ang pagtatanong n'ya sa location ko ang inaatupag. Nandito lang naman ako, nagkakape sa katapat na coffee shop. Nakasuot ng wig, nag-make up, kahit nasa loob ng coffeeshop ay naka-sunglass. Hinihintay kong mag-uwian para sundan ito at tiyaking ligtas siyang makauuwi. Hindi ko ito sinagot. Nagpatuloy ako sa pagkakape. Habang humihigop ako'y may nakakuha ng atensyon ko. Isang magandang babae na mahinhing pumasok sa coffee shop. Dumeretso agad ito sa counter at nag-order. Pagkatapos ay humakbang ito sa katabi kong table. Ang upuang nakatalikod sa akin ang inupuan nito. Kaya naman mas malaya ko siyang napagmasdan. Instinct na lang din yatang damputin a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD