"Huwag n'yo akong tignan ng ganyan na akala n'yo nakapatay ako." Tatawa-tawang ani ni Rowen nang pumasok siya ng mansion. Gago ba siya? Totoo namang nakapatay siya. Pinatay n'ya iyong babae. Walang ibang tao, kami lang tatlo. Dahil nga narito na ako'y binigyan ni Mec ang mga ito ng dalawang linggong bakasyon. Iyong pagiging kalmado ni Rowen noong bodyguard siya ni Mec ay wala, masyado itong free ngayon. Ngiting-ngiti nga ito na akala mo'y tropa lang nito ang mga kaharap. Iyong kahanginan sa katawan at confidence ay very evident. "Hindi ba?" nakapamulsa pa itong naupo. Saka bumungisngis at nagkibitbalikat. "What the hell is going on, Rowen?" "It's Bob, not Rowen." Pagtatama nito sa kanyang pangalan. Manghang napatitig ako rito. Paano nitong na peke ang pangalan kung pina-background