"Delikado pala ang relasyon n'yo ni Mec, tapos nag-public announcement ka pang malantod ka." Panay lang ang tawa ko, habang iyong ate ko'y malapit nang mapatiran ng ugat sa leeg. Nakaharang na si Kuya L.A sa asawa n'yang akala mo naman ay susugod. "Ate... baka kapag sinabi kong may anak na kami ni Mec ay hindi mo na kayanin." "Ano---" tengena, bigla na lang itong nanlambot at nawalan ng malay. "Diyos ko! Nawalan ng malay si Ate Jas." Natarantang sigaw ko. "Kumuha kayo ng gin bilog. Panggising sa kanya." "Stop." Stress na saway ni Kuya L.A ito namang si Mec, patawa-tawa lang. Pinisil pa nga ang baba ko. Sa The Alpha's Town, si Kuya L.A siguro at pogi ang may pinaka-stressful na buhay. Sinungkit ba naman ang dalawang diyosa ng mga Monte Ciento eh. Dahan-dahan namang nagmulat si A