Ilang araw na akong pakalat-kalat sa mga kalsada ng siyudad. Iginagala ko ang aking kagandahan. Marami na nga ang na ingit dahil ako lang ang may ganitong mukha. Sa ikalimang araw na paglalakad ko, sa isang iskinita pa pala ako madadali. Ang sarap lang nang kanta ko. Parang sampung beses na akong nagpabalik-balik dito pagkatapos kong mag-selfie at i-post iyon sa social media. Oo nga pala, mas dumami pa ang basher ko pagkatapos kong iaanunsyo na kasal na kami ni Mec. Okay lang, more engagement naman ang mga post ko dahil sa hanash nila. Sa muling pagliko ko, isang van ang bigla na lang huminto. Nagulat pa ako dahil sobrang pangit no'ng lumabas. Agad akong tinutukan ng baril, kasunod nang pagbaba ng iba. "Holdap ba ito?" takot na tanong ko habang nakaangat ang isang kamay, malakas pa