"Nasaan si Mace?" tanong ko kay Tori. Dumating ako sa bahay na wala ang asawa ko. Expected ko pa naman ay darating ako na naghihintay na siya sa porch area. Pero wala ito roon. Bukas naman ang bahay, kaya lahat ng gamit ko'y naipasok ko. Pagkatapos kong ayusin ang lahat sa Metro ay nagpasya na akong magpahatid dito. Ayaw ko nang patagalin pa ang pag-iisa ng aking asawa. "Nasa dagat. Kasama iyong anak ni Tatiana." "Sige, salamat." Tugon ko rito. Bumalik ako sa bahay at nagpalit nang komportableng damit. Saka ko napagpasyahang lumabas na at puntahan ito. "Talia, ano na iyong tulang ginawa mo?" dinig kong tanong ni Mace sa bata. Nakaupo ang mga ito sa isang blanket. Nakalatag iyon at iyon ang inuupuan ni Mace at ng batang kasama n'ya, Talia raw ang pangalan. "Gusto mong marinig, Aunti