"Careful." Nag-e-exercise kami rito sa dagat. Ayon sa librong nabasa nito ay makabubuti raw ang exercise sa akin, kaya kinumbinsi n'ya ako. Pumayag naman ako, pakiramdam ko kasi mas lalo na akong walang ginagawa dahil narito na ang asawa ko. "Slowly move your arms, then your left foot." Sinunod ko naman ito. Kalmado na ako sa mga cravings ko. Ang pinaka-worst na siguro ay no'ng naghanap ako ng isda, pero ang gusto ko no'ng mangyari ay si Mec ang huhuli sa dagat. Maswerte na lang din at naging hobby ng mga asawa ng mga ate ko rito ang pangingisda. Nataon pang walang pasok ang mga lalaki, kaya nasamahan nila si Mec na manghuli. Pero sa mood, wala pa ring pinagbago. Mas naging iyakin pa lalo ako. 7 months na ang aking tiyan. Nagsabi si Ate Jas na pupunta raw ito ng America, kasama ang