15

2022 Words

"Ate, kailan ka uuwi sa bahay?" Nawala ang ngiti ko sa tanong na iyon ng kapatid. Umayos ako ng upo sa sahig at isinandal ang ulo sa dingding. "Hindi na ba galit si nanay sa akin, Jun?" Hindi ito kumibo sa kabilang linya kaya alam ko na ang sagot. Galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon. "Kumakain ba kayo nang maayos ni Missy? Si tatay? Magaling na ba siya?" "Ayun, bumabalik na naman sa pag-iinom. 'Te, uwi ka na dito, please. Miss ka na namin." Pumikit ako para pigilan ang pag-iinit ng mga mata. "Oo naman. Uuwi rin si ate diyan. Ikaw pa. Malakas ka sa akin. Iyong pag-aaral niyo ni Missy, maayos ba? Binibigyan ba kayo ng baon ni nanay? Iyong pinadala ko sa iyo, tinitipid mo ba? 'Wag mo ring sabihin kay nanay na binibigyan kita ng pera, ha. Para sa inyong dalawa iyon." "Oo, ate. I

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD