Nakatulala akong nakatunganga sa kawalan habang kagat ang labi. Kanina pa ako nakabalik sa kwarto dahil tinulugan na ako ni Pierce matapos niya akong pagbigyan sa hiling ko na isa pang kiss. Ngumisi lang ito, kinabig ako, at pinatikim ako ng isa na namang makapugto-hiningang halik kaya naman kahit alas-singko na ng umaga ay gising pa rin ako at paulit-ulit na binabalikan sa isip ang pakiramdam kanina. "Gaga ka talaga kahit kailan, Xylca. Bakit mo nagawa iyon? Bakit mo na naman pinahiya ang sarili mo." Ibinaon ko ang mukha sa unan at tinadyakan ang mga nakakalat na damit sa sahig. Pinukpok ko ang ulo at ikinulong ang sigaw sa unan. "Bakit pa ako humingi ng isa pa? Anong isa pa? Ganoon na ba ako kamanyak na tao? Paano na ang puri ko? Ano na lang ang magiging tingin ni Pierce sa akin?" N