"Kagabi..." Agad akong tumayo sa pagkakaupo sa batuhan sa labas ng gate ng abandonadong parke para iwan si Pierce. Akala ko ay kung ano na ang problema nito ng mabilis niya akong niyaya na tumambay. "Naku, may sinaing nga pala akong naiwan. Baka masunog," palusot ko pero bago pa ako tuluyang makahakbang ay pinigilan niya ako sa kamay at seryosong tiningnan. "It's not about the kiss." Agad akong bumalik sa tabi nito at mabilis na nagpakawala ng tawa. Inayos ko ang pagkakaupo at pabirong hinampas ang braso nito. "Luto na pala ang kanin. Naluto ng mag-isa. Bakit, alin tungkol sa kagabi ang sasabihin mo?" "The reason why I don't celebrate my birthday anymore." Saglit akong natigilan sa nabanaag na kalungkutan sa boses nito. Kumilos ako papunta rito at iginalaw ang ulo para pag-aralan a