"Pano ba yan bruha. Na kay Pierce si Wyn. Nakalimutan kong ngayon nga pala ang birthday mo. Makapaghihintay ka ba? Sunduin ko lang si Wyn sandali." "I have a better idea. Ipahatid mo na lang kay Pierce sa bahay para complete family kayo sa birthday ko. Sige na, Xylca. Ngayon lang. Pagbigyan mo na ang birthday girl." Inilagay ko sa speaker mode ang cellphone at nagsimulang mag-shave ng kilikili. Nakalimutan ko talaga ang birthday ni Barbie at kung hindi pa ito tumawag para sabihing ako na lang ang hinihintay ng barkada ay hindi pa ako maliligo. Distracted ako buong maghapon dahil hindi rin mawala-wala sa isip ko kung sino ba iyong babaeng sumagot sa phone ni Pierce kanina nang kamustahin ko si Wyn. "Ay 'wag na at baka kung ano pang isipin niya. Baka magkaroon pa iyon ng pag-asa at isipin