"Saan ako matutulog? 'Wag mong sabihing magtatabi tayo?" nakataas ang kilay na tanong ko kay Pierce nang makapasok na kami sa bahay nito. Karga nito ang natutulog na si Wyn habang pumapanhik kami sa hagdan patungo sa second floor. "As of now, yes. Under renovation pa ang guest room. And I never thought that you'll move in and we'll not be sharing the same bed." Inayos nito ang pagkakasubsob ni Wyn sa balikat nito bago ako sinulyapan. Pinaningkitan ko ito ng mga mata. Alam ko na ang laman ng utak nito kahit hindi nito sinasabi. "Alam mo ikaw, Pierce. Matagal ka ng wala sa barangay pero hindi mo pa rin naiiwan iyang ugali mo noon. Maparaan ka na gustong-gusto ko maliban ngayon. Bakit mo pa kasi kami pinilit na dito muna tumira kung hindi pa pala ayos itong bahay mo? Paano kung may mga