Inobserbahan ko lang si Pierce nang kumakain na kami ng umagahan. Mataman nitong inaasikaso si Wyn at walang binabanggit sa akin tungkol sa babae na kaaalis lang. Pansin ko rin na hindi ginalaw ni Wyn ang itlog nang malaman nito na hindi ako ang nagluto kaya ako na lang ang kumain. Sayang naman ang grasya. "Nak, kain ka pa." Nilagyan ko ng tocino ang plato nito. "Gusto mong lutuan kita ng itlog? May oras pa naman. Hindi ka pa male-late." "Wag na po," tanggi nito. "Ang dami ng foods, ma. Masasayang lang ito. Ang sabi ni Ms. Sexy ay maraming mga bata ang nagugutom sa mundo. Proud na tumango ako. Ang ganda talaga ng effect ni Ms. Sexy sa anak ko. "Okay, sabi mo e." "That's good, Wyn. You know how important not to waste food but tell us what do you want to eat, okay? We'll make it for you