Late na ako nagising kinabukasan dahil late rin naman akong nakatulog. Hinintay ko pa ngang bumalik si Pierce sa kwarto pero inindyan na talaga ako ng mokong. Hindi ko siya maintindihan. Ako na nga itong lumalapit pero ayaw pa rin niya akong kagatin. Kainis. Bumaba na ako para hanapin ang anak na wala na sa silid nito. Naispatan ko siya sa kusina na seryusong-seryoso sa pagpapahid ng mesa. Napasinghap si Lugring nang makita ako. Nasa tabi ito ni Wyn at kinukuha ang basahan mula rito. “Ay sabi ko naman sa iyo anak na ‘wag ka na diyan. Ako na. Ma’am Xylca, pasensiya na po kayo ha.” “Hayaan niyo na iyan diyan manang dahil ganiyan ho talaga iyan. Gustung-gusto na palaging may ginagawa sa bahay. Mana ho sa magandang ina,” biro ko. “Mamaya ay magdidilig pa iyan ng mga halaman bago makipagl