Pagkakita ko pa lang na pababa na sa hagdan si Pierce ay tumayo na agad ako para umalis sa mesa. Dinala ko sa lababo ang plato at naghugas ng kamay. Pumasok ito sa kusina saka naupo. Walang imik na nilagpasan ko siya at binuksan ang ref. “Good morning,” bati nito. Hindi ko siya pinansin at itinuloy ang pagsandok ng ice cream sa mangkok. “Good morning, Xylc. Pahingi naman ako niyang ice cream mo.” “Bakit? Kulang ba ang lamig ng aircon mo kagabi?” tanong ko nang hindi ito nililingon. Umingit ang silya sa pagtayo nito. Sunod kong naramdaman ang akbay niya at ang halik sa ulo ko pagkatapos. “Good morning,” bati uli nito. Winalis nito papunta sa isang side ang buhok ko para halikan ako sa pisngi. Napaikot ang mga mata ko. Ngayon pa ito maglalambing na nireregla na ako. “Walang maga