“Ahm Pierce?" Kumatok ako sa bukas na pinto. Mula sa pagkakasubsob sa harap ng sangkaterbang papeles ay nag-angat ito ng tingin sa akin. Kinuyumos ng awa ang dibdib ko pagkakita sa pagod nitong mukha. Kanina pa ako nag-aalala rito. Pagkauwi galing sa office ay dito ito agad nagkulong sa home office. Nag-aalala ako dahil hindi ito kumain ng hapunan. Kape lang ang laman ng tiyan nito. Tinanong ko ang sekretarya nito pero wala raw kinain si Pierce sa buong maghapon. Nagka-aberya daw sa project kaya inaayos nito agad. Alas-diyes na ng gabi pero hindi pa rin ito bumaba kaya inakyat ko na. "Xylc, why?" "Busy ka pa ng bonggang-bongga?" Nag-aalinlangan akong pumasok dahil baka hindi makaistorbo lang ako. Hinubad nito ang salamin at sumandal sa swivel chair. Pinatay rin nito ang laptop