Sa ikatlong araw ay sumama ako sa paanyaya ni Gori na magpunta sa Pearl Farm. Pupunta rin doon si Pierce kaya siyempre nandoon din ako. Habang nasa daan ay pasulyap-sulyap lang ako sa gawi nina Pierce at Sab na magkayakap na natutulog sa loob ng private bus. Hindi naman ako halata dahil nakasuot ako ng sunglasses. Nang hindi na kaya ang sakit ay yumakap ako kay Barbie na nasa tabi ko. Napansin iyon ni Gori na sumimangot. Binatukan lang ito ni Barbie. Pagdating sa exclusive resort ay nagkanya-kanya na kami ng punta sa silid namin. Humiwalay kami ng villa at pinili iyong pinakamalapit sa dagat. Wala rin naman kaming makasundo sa mga kaibigan ni Gori at Pierce dahil puro mga sosyalera. Hindi ako kumain ng dinner. Hinintay kong maghating-gabi bago ako lumabas at nagpunta sa tabing-dagat pe