Sa pangalawang araw ay naging dakilang server naman ako. May party na inorganisa ang kompanya nila Barbie na ginanap sa hotel ng pamilya ni Myca kaya siyempre invited si Pierce at kung nasaan si Pierce, ginagawa ko rin ang lahat para andun din sa tabi nito. At siyempre, ginamit ko na naman ang koneksiyon ko. Inayos ko muna ang suot na white uniform bago nilapitan ang lalake na nag-iisa sa table nito. Nakangiting inilapag ko ang baso sa harap nito. "Tubig, sir. Baka nauuhaw ka na. Ubos na kasi ang laman ng baso mo." Inginuso ko ang baso nitong wala ng laman. Gulat na nilingon niya ako at napahawak sa sentido. "You're here again," ani nito na parang nawalan na agad ng pasensya. "What are you now?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Are you into roleplaying these days?" "Ano ka