8

2424 Words
"Saan na ba ang babaitang iyon?" Nagpalinga-linga ako sa loob ng cafeteria ng eskwelahan para hanapin ang demonyitang nagkatawang lupa na si Barbie. Dalawang oras na niya akong pinaghintay sa court para sa usapan naming food trip pero hindi sumipot ang gaga kaya wala na akong nagawa kundi hanapin siya sa campus. Nanggaling na ako kanina sa criminology building at sa paboritong tambayan nito sa computer lab dahil nga may aircon pero ni anino ng hitad ay wala akong nakita. "Saan ka na Annabelle! Makakalbo na talaga kita! Kanina pa ako nagugutom!" maktol niya nang hindi makita si Barbie sa canteen. Binuksan ko ang messenger para tingnan kung may reply na ba ito pero sineen lang ako ng gaga. Offline na rin ito. "Anak ng sandaang afam, ikaw talaga ang makakakain ko Barbie. Pambihira kang babae ka, saan ka na!" Lumiko ako sa isang building para pumunta sa library. Last place na talaga ito. Magbabakasakali lang akong makita doon ang kaibigan. Inutangan kasi niya ako noong isang buwan at ang sabi niya kanina ay babayaran niya ako. Ubos na rin ang pera ko dahil wala pang padala mula sa daddy ko. Tinawid ko ang field papuntang CAS building pero nagbago rin agad ang isip ko. Naalala ko ang shortcut malapit sa canteen. Umikot ako at bumalik sa dinaanan kanina. Doon ako dadaan sa ginagawang bagong building ng Economics. Natanaw ko mula sa di kalayuan ang mga construction workers na nakasuot ng mga caps. Busy ang iba sa pagpupukpok at pagwe-welding. Ang iba ay nagwa-waterbreak sa gilid. Nakuha ang pansin ko ng lalaking nakatalikod sa akin na nagmamasa ng semento at buhangin. Lapat na lapat sa matipuno nitong katawan ang suot na Kawasaki long sleeve dahil sa sobrang pawis. Bahagya itong tumigil at tumagilid kaya nakita ko ang side view nito. Napasinghap ako sa kabiglaan nang mapagtantong si Pierce ang nasa unahan ko. Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi at walang pagdadalawang-isip na nilapitan ito. Malayo rin naman ito sa mga kasamahan kaya walang makakarinig sa amin. Parang biglang uminit ang pakiramdam ko nang matitigan ang kabuuan nito. May damit naman itong suot pero parang hubad na ito kung titigan ko. "Tama nga siguro sila. Mag pagkamanyak ako ng very very slight." Nang medyo malapit na ako sa kaniya ay sumipol ako. Bigla naman itong lumingon sa aking gawi at kumunot ang noo. "Hi fafa Pierce!" Kinawayan ko siya. "Long time no see, ah. Inindiyan mo ako last week. Nag-expect pa naman ako sa promise mong libre." Mas lalong kumunot ang noo nito. Tumuwid ito ng tayo habang hawak ang pala. Pinahid nito ang tumulong pawis gamit ang manggas ng damit bago ako uli tiningnan. "Nangako ba ako? Hindi ko na maalala. Sorry." Parang walang anumang bumalik ito sa ginagawa. "Okay lang. Mapagpatawad naman akong nilalang basta ba kasinggwapo mo. Pwede ring i-reset mo ang CPU mo para ma-refresh ka at maalala mong may pinangakuan kang magandang dilag." Itinuro ko ang sarili. "Ako iyon." Tinitigan niya ako bago ko nakita ang pagtaas ng sulok ng bibig nito na agad nitong itinago sa pamamagitan ng pagyuko ng ulo. "Ang hangin. Mukhang babagyo." "Ha? Lab mo ko? Enebe! Ang bilis mo naman!" Inipit ko ang buhok sa tenga at kinindatan ito. Napailing lang si Pierce saka natawa. "Loko-loko. Mag-aral ka na. Wag ka nang pakalat-kalat dito." "Ouch! Ang sakit! Di pa naman tayo tas itinataboy mo na ako." Bumalik na ito sa paghahalo ng semento. "Nakita kong dumaan dito si Barbie. Papunta yata siya diyan sa tapat na building." "Buti naman! Kanina ko pa hinahanap ang babaeng iyon!" Tinanaw ko ang sinasabing building ni Pierce. College of Business. "Sinasabi ko na nga ba at ini-i-stalk na naman niya si Kay. Pambihirang pader! Wala na talagang pinagkatandaan!" Bumaling uli ako kay Pierce na buhos na buhos na ang atensiyon sa ginagawa. "Mauuna na ako, fafa. Ayusin mo iyang ginagawa mo ha. Wag masyadong magpapawis. Mag-ingat ka na rin. Mamahalin pa kita. Ay, teka." May kinuha ako sa bag. "O, sayo na ito. Hindi ko pa iyan nababawasan. Sealed pa iyan." Nagtaas ito ng tingin sa akin saka sa hawak ko na bottled water. Iniunat ko ang kamay. "Sige na. Choosy ka pa. Wala iyang gayuma. Hindi ko na iyan kailangan, no. Sa ganda kong 'to!" Binitiwan ni Pierce ang pala at ipinunas ang kamay sa pantalon. Kinuha nito ang tubig at tumango sa akin. "Salamat." "Bigay na utang iyan. Hindi iyan libre. Kinse pesos rin iyan mama, ano. May resibo pa ako rito. Ililista ko na lang. Bye! Libre mo na ako next time." Nakangiting pumihit na ako papunta sa gusali. Kung sinuswerte ka nga naman. May maganda ring nangyari sa araw na 'to. Nasilayan ko na naman ang mamang may piercing na mata. "Si Pierce nga siya," nangingiting wika ko sa sarili. Narating ko ang building ng College of Business at hindi nga nagsisinungaling si Pierce nung sinabi niyang nakita niya na papunta rito si Barbie dahil kitang-kita ko kung paano itong nakasilip sa bukas na pinto. May pangiti-ngiti pa itong nalalaman habang nakasandal sa pader. Walang ingay na tinabihan ko siya. "Maganda ba?" tanong ko sa tenga nito. Ngumiti ito nang parang nangangarap bago sumagot. "Sobra. Hindi nakakasawa ang kaniyang ganda. Tas ang bait pa. Siya na nga ang pinagpalang tunay sa lahat ng babae. Kinagat ko ang labi para pigilan ang sariling sigawan ito. "Sa sobrang ganda no nakalimutan mo na ang usapan natin? Namuti na ang mga mata kot lahat pero walang Barbielat ang nagpakita." Gulat na nilingon niya ako at nginisihan. "Xylca! Andiyan ka pala!" Nginitian ko rin siya nang matamis kahit kanina ko pa siya gustong ibalibag. "Barbie! Oo andito ako. Actually kanina pa talaga ako naghahanap sa iyo. Grabe! Kanina pa ako kinakabahan kung nasaan ka na tapos ngayon makikita lang pala kitang parang kriminal na on the look sa biktima. Ano? Maganda no? Sobrang ganda no? Sa sobra niyang ganda, nakalimutan mo nang may pinaghihintay ka." Inakbayan niya ako at sinubukang aliwin. "Pinaghintay pala kita. Sorry naman diyosang Xylca. Nabusy lang. Hehehe." Hinagod nito ang maiksing buhok at nginitian uli ako. Ngali-ngali ko nang sungalngalin ang nguso niya pero nagpigil ako. Wala pa akong nakokotong kaya mamaya na. Inilahad ko ang palad sa kaniya. "Akina." "Ha? Ang alin?" Napailing ako. "Sus. Magdedeny ka pa." Iginalaw ko ang kamay. "Yung utang mo. Akina." "Ah. Iyon pala. Akala ko ano na." Dumukot ito sa bulsa at naglabas ng isandaan. Agad ko itong kinuha at ibinulsa. Ibinalik ko sa pagkakalahad ang kamay. Kumunot ang noo nito. "Bakit? One hundred lang ang inutang ko sa iyo, ah." Tinaasan ko siya ng kilay. "May tubo iyon. 20 percent kaya dagdagan mo ng bente. Ah, nagbago ang isip ko. Gawin mo ng sinkwenta. Kapagod kayang maghintay sa iyo, anak ka ng kamatis." "Swindler ang gago. Ayoko nga. Di mo ako madadaan sa mga moves moves mo na iyan." "Ah ganon? Oh, halika. Pupuntahan natin si Kay diyan sa loob. Tamang-tama, may kakilala ako diyan. Tara, mag-hi lang tayo sandali. Wala namang prof o." Hinila ko si Barbie papasok sa room pero agad rin niya akong nakaladkad palayo. Labag sa loob na kinuha nito ang wallet sa bag at binigyan ako ng sinkwenta. "O. Masaya ka na? Ikaw talagang kumag ka. Ang galing mong mangotong." Inakbayan ko ito at ninakawan ng halik sa pisngi. Agad na lumipad ang kamay niya sa akin pero nakaigpaw na ako bago pa niya ako maabot. "Kadiri ka!" angil nito. Dinilaan ko ang mga labi at kinindatan ito. "Ako ang naka-virgin sa pisngi mo kaya akin ka na Barbielat." Sinabayan ko ito ng tawa. Umuusok naman ang mukha ni Barbie sa galit. Binalewala ko lang ito. "Halika na. Kain na tayo. Kanina pa ako nagugutom. Mas inuna mo pa ang pagsintang pururot mo kaysa sa bituka natin. Tara na." "Mauna ka na. Hihintayin ko pa si Kay. May kailangan akong sabihin sa kaniya." Namilog ang mga mata ko. "Magco-confess ka na sa kaniya? Gagi, bat ngayon mo lang sinabi? May flowers ka bang dala? Chocolates? Letters?" Nanlaki ang mga mata nito at tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay nito. "Ano ba! Baka may makarinig sa iyo." Inalis ko ang kamay nito sa bibig ko. "Wala naman akong binanggit na pangalan. Ang hilig mo kasi sa kape kaya ayan, nagiging nerbiyusin ka na." Inalog ko ang dibdib nito. "Sayang ang melon mo, Barbie. Sige na, lalamon na ako. Good luck na lang sa iyo, ha. Balitaan mo na lang ako kung kailan ang kala. Isang case ng pulang kabayo, pwedeng pwede na." Kinawayan ko muna si Barbie bago naglakad papunta sa back gate ng university. Tamang-tama dahil may kakabukas lang na tindahan ng unli-chicken wings. Sa gutom ko ngayon, kahit yata isang buong plato ng bandehadong kanin ay kaya kong ubusin. Ngunit nagbago ang isip ko nang mabasa ang karatula. 199 pesos ang bayad. Binilang ko sa isip ang hawak na pera at ang barya sa bulsa. Oo nga pala. Kailangan kong matipid dahil ang daming kailangang bayaran ngayong linggo. May tubig at kuryente, may arawan pa sina mama sa Bombay. Bagsak ang mga balikat na lumihis ako ng daan. Kakain na lang ako sa karinderya. Sa treinta pesos eh may dalawang putaheng ulam ka na. Hinintay kong dumaan ang isang van bago ko tawirin ang daan papunta sa karinderya pero hindi ko na iyon nagawa dahil may humawak sa braso ko. Paglinga ko ay nakita ko si Pierce na nagpupunas ng pawis. "Uy! Tapos na kayo?" nakangiti kong tanong rito. "Hindi pa pero nagpaalam muna ako kay boss na magmemeryenda ako." "Talaga? Tara, sabay tayo. Kakain ako ng kanin para diretso na hapunan. May klase pa ako hanggang eight." Imbes na tumawid ay inakay niya ako pabalik sa pinanggalingan kong kainan kanina. "Libre ko. May utang pa ako sa iyo, di ba?" sagot nito sa nagtataka kong tingin. Malapad akong ngumiti. "Shoot! Game ako diyan." Ako na ang nagpatiuna sa pagpasok at paghahanap ng mauupuan habang nagbabayad si Pierce. Maya-maya ay lumapit na ito sa mesa na kinaroroonan ko dala ang tray na may nakalagay na dalawang order ng kanin at isang malaking plato na puno ng umuusok sa init na chicken wings. Isinuot ko sa kamay ang plastic cellophane at nagsimulang kumain. Ilang minuto ang dumaan na walang kumikibo sa ming dalawa. Nasa pagkain ang buong pansin namin. Pagkaraan ng ilan pang minuto ay ako na ang nagtaas ng tingin. Magana pa rin itong kumakain. Sinipsip ko ang naiwang katas sa kamay at bumungisngis nang makitang wala pa sa kalahati ng nakain ko ang naubos ni Pierce. "Parang di ka naman nagutom. Limang piraso lang ang nakaya mo. Damihan mo pa para di sayang ang bayad. Ako, technique ko na kapag mga unli-kainan ang labanan, puro ulam ang kinakain ko para sulit. Wala ng kanin-kanin kasi araw-araw naman namin iyang nakakakain." Uminom ako ng soft drinks at malakas na napadighay. Ngumiti lang si Pierce sa akin. "Nabusog ka ba?" tanong nito. "Oo naman." Hinimas ko ang tiyan. "Sobra. Tingnan mo nga kung ilang yang butong naiwan ko. Eh ikaw ba?" Tumango ito. "Oo." Kumuha ako ng tooth pick at sumandal sa upuan. "Bakit hindi kita nakitang namamasada last week sa kanto?" Nagsimula akong magtanggal ng tinga. Hinubad nito ang plastic sa kamay at uminom ng tubig. "May nakontrata kasi akong construction sa kabilang subdivision. May ipinagawang poso-n***o kaya tumigil muna ako sa pagpapasada. Bakit? Na-miss mo ako?" sabi nito sa tinig na may kalakip na tudyo. Napatawa ako nang malakas. "Paano kung sabihin kong oo? Maniniwala ka ba?" sakay ko rito. Nagkibit-balikat ito saka humalukipkip. "Depende." Pinag-aralan niya ang mukha ko. " Kung iba lang sana ang nagsabi sa akin niyan, maniniwala pa ako kaso narinig ko sa iyo kaya hindi." Inirapan ko siya. "Tingnan mo 'to. Hoy mama, genuine kaya iyong sinabi ko. Na-miss talaga kita. Ikaw tong nagtatanong tapos kung sasagutin ka naman ng totoo, hindi mo papaniwalaan. Ang labo mo. Anyway, ano na? Napag-isipan mo na ba iyong offer ko? Go ka?" "Sinabi ko na sa iyo na ayokong nae-expose ako." Kinambatan ko siya. "Sige, gets ko. Pero itong iaalok ko sa iyong raket ay hindi ka mae-expose sa maraming tao. Private consumption to." "Ano iyan?" Inilapit nito ang mukha sa akin nang senyasan ko siya. "Model. Ipipinta ka." "Ipipinta lang?" Diskumpiyado pa rin ito. "Oo nang nakahubad," bulong ko. Muntik na itong mahulog sa kinauupuan dahil sa biglang kilos nito. Mahina niya akong pinitik sa ilong. "Mas lalong ayoko." Hinaplos ko ang nasaktang ilong at sinubukan pa rin itong kumbinsihin. "Malaki ang bigayan, ano ka ba! Pera na iyan. Wala ka namang dapat ikahiya. Maganda kaya ang katawan mo. Matipuno, mamasel, mala-Adonis. Dapat mo pa ngang ipagmalaki iyan." Unti-unting sumungaw ang ngiti sa mga labi nito. "You think I have a good body?" nanunukso nitong sambit. Namula ako sandali pagkuwan ay mabilis na tumango. "Oo naman. Kitang-kita naman. So ano na?" Sa halip na sagutin ako ay tumayo ito at hinila na rin ako patayo. "My answer is still no. Bumalik ka na sa klase mo." Binitawan niya ako pagdating sa labas ng kainan. Tumawid kami at magkasabay na pumasok sa gate. Hindi na niya ako kinibo kaya ako na ang naunang magpaalam. "Una na ako, Pierce. Salamat sa lafang. Sa uulitin uli ha." Tipid na ngiti at tango lang ang ibinigay niya sa akin bago ito nagpatuloy sa paglalakad. Hindi naman ako nagtaka sa inasal niya. Nababasa ko na rin siya kahit papaano. Parang ayaw niya na makikita kami na magkasama sa loob ng university dahil inaaalala pa rin nito ang sasabihin ng iba. Sa akin naman ay ano ba ang masama kung kaibigan o kakilala ko siya? Wala namang krimen na naganap o taong nasaktan ang pagkakakilala namin. Naudlot ang paglalakad ko nang mag-ring ang cellphone ko. Sinagot ko ito nang makitang si Jun ang tumatawag. "O, Jun?" "A-ate..." Sinakmal ng takot at pag-aalala ang dibdib ko nang marinig ang pagsinghot nito sa kabilang linya. "Jun, bakit ka umiiyak? May nangyari ba? Sabihin mo kay ate." "Ate, si Tatay nasaksak ng kainuman niya kanina. Nandito kami sa hospital te. Te si papa, nag-aagaw buhay na raw." Umiiyak na ang kapatid ko kaya hindi ko na maintindihan ang mga sunod niyang sinabi. Ang tumimo lang sa akin ay ang katotohanang nasaksak at nag-aagaw-buhay ang ama ko sa hospital. Agad na pumihit ako pabalik sa gate at tinakbo ang labasan. Pumara ako ng tricycle at agad na sumakay. Nanginginig ako sa pagkabigla, takot at pagkabalisa. Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng aking mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD