"Pst, Chupapi. Hoy! 'To naman, alam kong naririnig mo ako." Nilakihan ko ang mga hakbang para maabutan si Pierce na parang walang narinig na tuloy-tuloy ang paglalakad sa sidewalk. Inagahan ko talaga kaysa sa usual ang pagpasok ko. Ala-una pa ang klase ko at alas-onse pa lang sa relo.
"Hoy! 'To naman. Ignore ignore ang drama galore." Naabutan ko siya at pabirong hinampas sa balikat. Kumapit ako sa braso niya at sinilip ang mukha nito. Ang gwapo talaga ni kuya lalo na sa ilalim ng sikat ng araw. Lumalabas ang pagka-tisoy nito.
Inalis niya ang kamay ko sa braso nito at bahagya akong tiningnan.
"Wag mo akong hawakan." Ininguso nito ang mga tricycle na nadaanan namin. "Sakay ka na. Baka ma-late ka pa sa klase mo."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at ibinalik ang kapit sa matipunong bisig nito. Ang tigas teh. Pinigilan ko ang tangka nitong pagtanggal sa kamay ko. "One pa ang class ko. Sinadya ko talagang magpunta ng maaga ngayon para sa iyo. May utang akong lunch, remember? Tara. Kain na tayo. My treat."
Pinigilan niya ako nang hilahin ko siya.
"Bakit? Lunchtime na. Di ka pa ba nagugutom?" takang tanong ko rito.
"Pumasok ka na. Hindi ko pinapabayaran ang ginawang pagtulong ko sa iyo kagabi. Hindi ako ganiyang klase ng tao."
"Sus, ano ka ba. Wag mo na lang isipin na bayad utang tong ginagawa ko. Natuwa lang talaga ako sa ginawa mo kagabi kaya ililibre kita ng lunch. Ang galing mo kaya. Naging instant knight in shining armor ka."
Seryoso na ang mukha nito. "Hindi ako nagpapalibre lalo na sa isang babae. Kaya kong bumili ng pagkain ko."
Bumitaw siya sa akin at tinalikuran ako.
"Ang sungit." Hinabol ko ang lalaki at kumapit uli rito. "Wala naman kayong buwanang bisita pero bakit talo mo pa ako kung magsungit tuwing dinadatnan ako? Lunch lang naman iyan. Di naman mapipingasan ang p*********i mo kung pagbibigyan mo ako. Ayaw mo ba nun? Magiging magana ang pagkain mo kasi may appetizer ka na sa katauhan ko. Ayaw mo nun?" pangungulit ko pa rin.
"Alin ba doon sa sinabi ko ang mahirap intindihin? I'm refusing to eat with you. That's it. Simple as that."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig pagkatapos ay napapalakpak ako. "Wow! Ang ganda ng pagkakabigkas mo. Hanep ang pronunciation mo, beks! Ang smooth tas may pa-accent ka pa. Where did you learn that boi huh? Katunog mo iyong mga afam ko."
Nilingon niya ako, naguguluhan base na rin sa pagkakakunot ng noo nito.
"Afam?"
"Oo. Amboy. American boy. Porendyer. Mga daks." Pinasadahan ko siya ng tingin saka nginisihan. "In fairness pasado ka sa category. May ibubuga."
Tiningnan lang niya ako na para bang hindi niya ako naintindihan. Tumigil ito sa paglalakad. "Stop following me."
Umiling ako. "Uhuh. No, papa. I'll follow you. Yes, papa. Ikaw ha, nagtatampo na ako sa iyo. Ang bilis mong makalimot. Noong isang araw nga lang, hinaharot mo pa ako tapos ngayon nire-reject mo na agad ako. I'm hurt." Lumabi ako at nagpa-cute.
Nagbuga ito ng hangin at namewang. Lumampas sa likod ko ang tingin niya. "Oops!" Agad niya akong hinila sa braso at iniikot sa gilid nito nang may biglang dumaan na motor sa sidewalk. "Brad, daanan 'to ng tao! Kita mong may mga naglalakad! Makakadisgrasya ka sa lagay na iyan!" sigaw nito.
Tinanaw na lang naming dalawa ang papalayong motor na ni hindi kami nilingon.
"Okay ka lang?" Ininspeksiyon niya ako.
"Hindi ako okay."
"Ha? Saan ang masakit sa iyo?" Bumaba ito at tiningnan ang mga paa ko. Napahalakhak ako dahilan para muli niyang itaas ang tingin sa akin.
"Hindi diyan ang masakit. Dito." Hinimas ko ang tiyan. "Gutom na talaga ako. Mamaya ka na mag-inarte. Kumain na tayo." Hinila ko siya patungo sa malapit na karinderya at itinulak sa hilera ng mga ulam. "Ikaw na ang mag-order. Hanap lang ako ng pwesto sa loob. Wag mo akong takasan, ha. Maawa ka sa mga bulate ko. Naghihikahos na sila sa buhay dahil sa gutom." Naglabas ako ng limandaan at ibinigay sa ale. "Siya na lang po ang pipili." Itinuro ko si Pierce.
Nang makahanap ng upuan ay hinintay ko ang binata na dumating rin kalaunan bitbit ang tray. Inilapag niya ang mga mangkok ng ulam.
"Pierce, ilang taon ka na?" tanong ko nang magsimula na kaming kumain.
"Beinte kwatro."
"Mas matanda ka pala ng tatlong taon sa akin. Taga-saan ka? Paano ka napadpad dito?" usisa ko.
Tiningnan niya ako mula sa iniinom nitong coke bago sumagot. "Probinsiya. Lumuwas ako para magtrabaho dito."
Isinubo ko ang buong siling haba at nginuya. "Saang probinsiya?"
Hindi niya ako sinagot.
"Okay next question. Bakit tricycle driver? Hindi kita minamata ha. Curious lang ako kasi sa gandang lalaki mong iyan, papasa kang model. Jusko, bentang-benta ang ganiyang mukha sa ad bes!" Sinuntok ko ang namumutok sa muscle na braso nito. "Pwede kang model ng energy drink."
"Ayoko sa mga ganiyan. Hindi ko gustong nae-expose ako. Ayokong pinagtitinginan ako," seryoso nitong sagot.
Nilulon ko muna ang kinakain. "Pero in case na magbago ang isip mo, sabihin mo lang sa akin. May kakilala akong naghahanap ng talent. Pasok na pasok ka sa qualifications. Walang take-out ng mga matrona. Malinis. Hindi ka rin magsisisi. Tiba-tiba ka rin sa akin. 10 percent commission lang ang kinukuha ko."
"Pinakain mo ba ako dahil gusto mong magpasalamat o dahil gusto mo akong i-recruit diyan sa raket mo?"
Nginisihan ko siya. "Pareho. Para hindi masayang ang oras at laway natin ano. Time is diamond."
Umiiling na ipinagpatuloy nito ang pagkain. Pinagmasdan ko siya nang maigi. Hindi masiba. Tama lang ang dami ng pagkain sa kutsara.
"Pass. Busy ako sa trabaho. Nagco-construction ako sa tuwing matumal ang biyahe."
"Sayang. Saan ka pala nakatira dito ngayon? Nangungupahan ka o may kamag-anak ka dito?"
"Upa. Diyan sa Sto. Rosario. Mura lang."
"Ah. May girlfriend ka? Asawa? Naanakan? Committed? May lihim na pagtatangi?"
Kumunot ang noo nito. "Bakit ka nagtatanong ng ganiyan?"
"Wala lang. Ang hirap mo kasing kausap. Ang dry kaya nagbubukas ako ng topic. Hindi kasi ako sanay na tumahimik. So ano na? May jowa ka?"
"Wala."
"Ako rin walang jowa. Kakahiwalay lang namin. May asawa pala. Naging kabit pa ako. Mantakin mo iyon, sa ganda kong ito, kinabit niya lang? Pero okay lang. Nahuthutan ko naman siya. Saya-saya."
Napailing na naman ito. "You have a weird brain set-up."
"Alam mo, ang sarap pakinggan ng accent mo sa English. Mag-call center ka na lang kaya. Tas libre mo ako sa unang sahod mo kasi sa akin mo naman nakuha ang idea."
Ngumiti ito habang nakatitig sa akin. "Loko-loko."
Literal na napawaang ako. Ang guwapo niya talaga. Wag mo na lang pansinin ang pamumula ng mukha nito dahil sa init ng araw. Ito na yata ang pinakamagandang halimbawa ng description na ruggedly handsome. Literal na rugged at handsome.
"Yan, ngumiti ka rin. Ipagpatuloy mo lang iyan para maraming nilalang ka pang mapapasaya."
Nakangiti pa rin itong tinapos namin ang pagkain. Niyaya ko siyang tumambay muna sa basket ball court malapit sa karinderya para magpatunaw ng pagkain. Buti at pumayag ito. Magkatabing naupo kami sa semento. Kumakain ako ng tsitsirya habang naninigarilyo ito. Pareho kaming nanonood sa mga batang nagkakasayahan sa unahan. Mga gusgusing naglalaro ng basketball.
"Anong kurso mo Xylc?"
Nilingon ko ito na busy sa kakahithit sa hawak na sigarilyo. "IT. Ikaw. Wala ka bang balak bumalik sa pag-aaral?"
Ibinuga nito ang usok bago sumagot. "I never liked school. Para itong kulungan."
"Para sa iyo. Pero para sa aming nakikita ito para makaalis sa buhay namin ngayon, ginto na ang makapasok sa kolehiyo."
Tinaktak nito ang sigarilyo gamit ang isang daliri. "Sabagay. Nasa tao rin iyan. Desisyon mo na iyan."
"True. Isang taon na lang ang bubunuin ko kaya tiis-tiis na lang talaga. Excited na nga ako para makabukod na ako sa bahay."
Tiningnan niya ako nang matiim mula sa usok na kakabuga nito.
"Bakit?"
"Anong bakit? Hindi naman kasi lahat tayo ay may magandang relasyon sa pamilya nila. Oo, mahal ko sila pero hindi ko na halos masikmura ang atmosphere sa bahay. Ang bigat at ang lungkot. Nakakapangit. Aalis ako kasi ayokong maging pangit."
Hindi niya pa rin inaalis sa akin ang mga mata. Nababasa ko rito na ang simpatiya at awa.
"Ikaw? Parehas ba tayo ng rason kung bakit ka lumuwas?"
Biglang dumilim ang mukha nito kaya dinaan ko na lang sa biro. Aware naman ako na may mga taong hindi nagsasabi ng mga personal na bagay lalo na sa mga taong kakakilala pa lang nila. Hinampas ko siya sa balikat. "Wag mo nang sagutin. I understand, boi. Basta wag mong kalimutan iyong offer ko sa iyo. Wag kang magpapapirata sa iba ha. Alalahanin mong ako ang unang naniwala sa gandang lalaki mo."
Sinulyapan ko ang oras sa relo. May tatlumpung minuto na lang ang naiwan. Tumayo ako at hinarap si Pierce na sige pa rin ang hithit buga sa sigarilyo. Malayo na ang tingin nito.
"Katropa na kita mula ngayon, ha. Wala pa kasi akong nauuto dito na driver. Mapapakinabangan ko ang pagiging famous mo dito. Isang banggit ko lang sa pangalan mo, tiklop na silang lahat."
Nagtaas ito ng tingin sa akin. Tumaas ang sulok ng bibig nito. "Ano namang makukuha ko sa iyo?"
"I'll be your trusted customer. Ikaw at ikaw lang ang nag-iisang tricycle driver na sasakyan ko. Ganiyan ako ka-loyal. Sige na. Papasok na ako. Enjoy ka lang diyan sa pagkakatay sa baga mo. Ayos iyan para sa mga halaman." Kumaway ako kay Pierce bago bumaba na sa sementong bleachers. Nakakailang hakbang pa lang ako nang may humagip sa braso ko. Nalingunan ko ang lalaki. Nagtatanong ang mga matang tinitigan ko siya.
"Ihahatid na kita. Mag-tropa na tayo di ba?" agad na sagot nito sa piping tanong ko.
Ngumiti ako at nagkibit-balikat. "Game. Saan ang tricycle mo?"
"Nasa talyer. Ayos lang ba kung maglakad tayo?"
"Ayos lang."
Nagsimula na kaming maglakad. Huminto ito sa basurahan at pinatay ang sigarilyo bago itapon. Napangiti ako. No littering si kuya.
"Hindi ka ba naiilang na kasama mo ako? Tricycle driver lang ako."
Umiling ako at pabirong sinuntok ang lalaki. "Hindi ako judgerist." Pumalatak ito. "Okay, medyo judger nga ako noong una pero masisisi mo ba ako? Para kang lobo kung i-stalk ako. Akala ko rin kasi bet mo ako at hanap mo lang ang kariktan ko no. Pero ngayong alam ko na kung bakit, keri ka na para sa akin. Tropa na nga tayo di ba? Tsaka di ako ang klase ng taong nahihiya kung sino ang kasama. Sino ba ako? Isa lang naman akong hamak na isang kahig at isang tukang nilalang...na maganda... at ubod ng ganda." Nginisihan ko si Pierce na aliw na aliw sa pinagsasabi ko. "Ayos ba ang sagot ko? Pang-beauty queen no?"
"May saltik ka yata." Sinuklay nito ang buhok kaya naggalawan ang muscles sa braso nito. Sa suot nitong abuhing t-shirt at kupasing maong na may tastas sa tuhod, para talaga itong model na naligaw sa buhay. Hindi ito bagay sa lugar kahit anong pilit pa nito. Hindi ko na lang ito isinatinig at nagpatuloy na sa paglalakad. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kami, partikular na si Pierce. Parang naging campus crush na nga ito. Naririnig kong pinag-uusapan siya ng halos lahat ng mga estudyante.
Ibinaling ko ang makasalanang mata sa mga streetfood vendors na nagkalat sa gilid ng daan para ma-distract ako. May mga eksena na kasing nabubuo ang maharot kong isip. "Konti lang naman. Hindi sapat para ma-mental."
Tumigil kami sa harap ng gate ng university.
"Dito na ako. Salamat sa paghatid."
Tumalikod na ako pagkatapos niya akong tanguan.
"Xylca," tawag nito.
Huminto ako at nilingon ang lalaki na papalapit sa akin. "Bakit?"
Hindi niya ako sinagot. Kinuha niya lang ang kamay ko at inilagay ang sukli na nakalimutan kong singilin kanina.
"Salamat sa tanghalian. Nabusog ako. Bukas, ako naman ang manlilibre."
Agad rin itong naglakad palayo matapos sabihin iyon. Tinanaw ko na lang ang malapad nitong likod at balikat. Pinakawalan ko ang pinipigil na ngiti.
"Free foods bukas? Why not?"
Pumasok na ako sa gate habang hindi pa rin maalis ang ngiti sa mukha. Pakipot pa ang mama. Gusto rin pala akong makasama. Napahagikhik ako sa naisip.