CHAPTER 14: The Execution of Plans

2239 Words
SKYE I took a deep breath and opened my eyes. Nakita ko ang reflection ko sa salamin. Medyo nakabawi na rin ako sa pagod at tulog nitong mga nakaraang araw. And the twins' parents really made sure that I could get enough sleep and rest until I get back to work. At ngayon na nga ang araw na iyon. Bumalik na rin sa Paris si Ash. Kahapon ang flight niya at inihatid siya ng mga magulang niya. River was also there. Kahit gusto niyang mag-stay para masiguro ang kaligtasan ni Uno, si River na mismo ang nag-urge sa kanya na bumalik na roon. The more daw kasi na may mga nakapaligid kay Uno, the more na maghihinala ang mga kalaban sa nangyayari. And as much as possible, iyon ang iniiwasang mangyari. Ang makatunog ang kalaban sa mga plano. If that happens, hindi lang si Uno ang puwedeng manganib ang buhay. Pati na rin daw si One. Tumingin ako sa suot kong wristwatch. It's already nine in the morning at nandito pa ako sa mansion. Cliffer already texted me na nandoon na raw sila ni One sa opisina. I asked him how was it. So far, so good. No one suspected that he's not the real Uno. Nakahinga ako nang maluwag sa naging reply niya. At least, One was sticking to the plan. Try not to be bothered when you get here. The news of wedding postponement was all over the Design and Development Department. Bahagya akong napangiwi sa sunod na text ni Cliffer. Iyon na nga rin ang dahilan kaya nagpa-late ako para makaiwas sa mga katrabaho kong makiki-tsismis sa pagbalik ko. Muli akong huminga nang malalim bago lumabas ng kuwarto at nagpasyang pumasok na. Nakarating ako sa MG-Tech In bago mag-alas diyes ng umaga. At sa main lobby pa lang, nakita ko na sina Fayre, Rowan at Jasper na kausap ang receptionist. At base sa nakikita ko, isinu-surrender nila ang ID at card access nila sa company building. Unang natapos si Jasper bago tinungo ang mga gamit niya na nakapatong sa isang couch. Siya ang Head Network Administrator at tatlong taon na rin siyang nagtatrabaho sa MG-Tech In. Mas matanda lang din siya sa 'kin ng tatlong taon. May pagka-istrikto siya at hindi masyadong malapit sa team. Gano'n pa man, very efficient naman siyang empleyado. Si Rowan naman, isa siya sa mga pioneer game developers ng kompanya. Dahil magka-team kami at magka-department, medyo naging close na rin kami. He would always greet me in the morning every time I get in the office. Friendly at dedicated talaga siya sa trabaho. Magkasunod na kinuha ng dalawang lalaki ang medyo may kalakihang mga kahon at binitbit iyon. Kumunot ang noo ko. Saan sila pupunta? At bakit bitbit na nila ang mga gamit nila? takang tanong ko sa sarili ko. Mabilis akong sumalubong sa kanila bago pa man sila makalabas ng building. Halos mapaatras ako nang makita ang reaction sa mga mukha nila. They look so mad and annoyed at something. Or was it directly to me? Pero, bakit naman sila magagalit sa 'kin? Sa kabila ng takot at kaba na nararamdaman ko, lakas-loob akong nagtanong sa kanila. "W-what happened? Saan kayo pupunta?" Halos mapaatras ako nang tumalim ang tingin sa 'kin ni Jasper. "We're leaving this f*****g and unfair game company." "You resigned?" Rowan laughed without any humor on it. "Mas mabuti pa nga siguro kung nag-resign kami, Skye. But, no. We didn't resign. We have been terminated today by your fiance," mariing pahagya niya. "Wait. Fiance mo pa nga ba siya? Cancel na ang wedding n'yo, 'di ba?" nang-uuyam na dagdag pa niya. Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Hindi sa pang-uuyam niya sa 'kin kundi sa sinabi niyang tinanggal sila ng fiance ko. How many times do I have to tell them that our wedding had just been postponed and not damn cancelled? Kahit gusto kong itama ang bagay na iyon, hindi ko na lang din ginawa. Mas importanteng malaman ko ang dahilan kung bakit sila tinanggal sa trabaho. "Bakit naman niya iyon gagawin?" takang tanong ko.  Uno won't do such a thing without any valid reason. May tiwala ito sa MG-Tech In employees. Pero, si One ang umaaktong Uno ngayon. Ano ang dahilan niya para magdesisyong tanggalin ang mga empleyado ng kakambal niya? Puno ng sarkasmong ngumisi si Jasper. "You should know the reason, Skye Lei Montenegro."Mas lalong nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niyang iyon. How should I know? Kahit parte ako sa plano, hindi ko naman alam ang ibang plano lalo na sa side ni One. Don't tell me kasama sa plano ang pagpapatanggal sa kanilang dalawa? "Kung bitter ka sa pagkakaudlot ng kasal n'yong dalawa, sana hindi ka nandadamay ng ibang tao na nagtatrabaho nang maayos." I was taken aback by Rowan's words. He was being harsh now. At ito ang unang pagkakataon na nakita kong puno ng galit at disgusto ang mukha niya. Very opposite sa kilala kong Rowan noon. Or is this the real him? "A-ano bang sinasabi n'yo? Hindi ko kayo maintindihan," naguguluhan pa ring tanong ko sa kanila. "Why don't you ask Fayre? Nang dahil sa 'yo, tinanggal din siya sa trabaho ni Uno Montecaztres," malamig pang sagot ni Rowan. Natigilan ako sa narinig. Ano raw? Even Fayre? She's Uno's executive secretary! Bakit pati siya ay tinanggal sa trabaho? "Let's go, Rowan. Mas mabuti pang umalis na tayo rito. We have to find another and better job than this company." Iyon lang bago ako nilagpasan ni Jasper. Isang masamang tingin ulit ang ibinigay ni Rowan sa 'kin bago sumunod sa lalaki. Naiwan akong tulala at hindi pa rin maproseso ang mga nangyayari. What the hell is happening here? At anong ginagawa ni One? "Skye." Mabilis akong lumingon kay Fayre nang marinig ang pagtawag niya. Lumapit ako sa kanya. "Fayre-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang maramdaman ang paglapat ng palad niya sa pisngi ko. Halos matigagal ako at pumaling pa sa kaliwa ang mukha ko dahil sa lakas ng impact. Hindi ko inaasahan ang sampal na iyon. Ibinalik ko ang tingin sa kanya. Doon ko lang napansin na matalim din ang mga mata niyang nakatitig sa 'kin. "W-why, Fayre?" naguguluhang tanong ko. What did I do to deserve that slap from you? mahinang bulong ko pa sa sarili ko.  "It's all your fault, Skye Lei Montenegro," she said coldly, still glaring at me. "Tinanggal kami sa trabaho ni Boss Uno with just baseless reason. Dahil lang na-cancel ang wedding n'yo, idadamay n'yo na kami nina Rowan at Jasper sa problema n'yo." Gusto kong magsalita, pero wala akong maapuhap na sabihin. Idagdag pa ang galit na nakikita ko sa mukha ng kaibigan ko.  "I worked hard, Skye! I f*****g worked hard for five years! For Uno Montecaztres! In just one word, he kicked me out of his company! It's so unfair!" galit na galit na sigaw niya. May mga sinabi pa siya na hindi ko na masyadong matandaan. Pero, malinaw na sinisisi niya 'ko sa mga nangyari.  "I-I-m sorry, Fayre. H-hindi ko alam," tanging nasambit ko na lang. Ilang sandali rin siyang tumingin lang sa 'kin bago nang-uuyam na ngumisi. "Of course. Dahil wala ka talagang kaalam-alam. Slow ka na nga, tanga ka pa. Buti nga napagtiyagaan pa kita ng limang taon." Nasaktan ako sa mga sinabi niya. Gusto kong isipin na nasasabi niya ang masasakit na mga salitang iyon dahil sa galit na nararamdaman niya. Pero, galit nga lang ba talaga iyon dahil sa pagkakatanggal niya sa trabaho? Bakit may pakiramdam ako na may mas malalim pang pinanggagalingan ang galit niyang iyon? "Tandaan mo itong mga sasabihin ko sa 'yo, Skye Lei Montenegro."  Humakbang siya papalapit sa 'kin. Ilang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa't-isa. Hindi ako umurong at sinalubong ang mga mata niya. "Hindi kita mapapatawad sa mga ginawa mo sa 'kin. And I won't trust you anymore," mariing sambit niya. "So, the next time we meet, you're no longer my friend but enemy. Friendship over between us. Right here, right now. And blame all of these to your ex-fiance."  Bahagya akong natulala dahil sa mga binitiwan niyang mga salita. At pagkasabi no'n ay bitbit ang mga gamit na tinungo na niya ang exit. Binunggo pa niya ako sa balikat bago tuluyang umalis ng building. Halos hindi naman ako makakilos sa kinatatayuan ko. Fayre left and ended our friendship just like that. As if our five-year friendship didn't matter to her.  And it was all because of One. Right. It's One. Mapait akong ngumiti at mariing kinuyom ang mga kamay ko. Unti-unti kong naramdaman ang pagbangon ng galit ko para sa kakambal ni Uno. Sinisisi ako nina Rowan at Jasper dahil sa pagkakatanggal ng mga ito sa trabaho. Sinisisi rin ako ni Fayre dahil akala niya ay kasalanan ko ito where all along, it was One's fault. Not mine! Nagpupuyos sa galit at inis na humakbang ako patungong elevator. I need to talk to One. And I need to hear his damn explanation! ~~~ Pagkarating ko sa opisina, hindi ko pinansin ang mga taong nakakasalubong ko. Hindi rin naman sila nangiming lapitan o kausapin ako dahil na rin siguro sa aura ko. Siguradong halata sa buong mukha ko ang matinding inis at galit. Mabilis kong tinungo ang opisina ni Uno. Hindi na ako kumatok pa. Basta ko na lang pinindot ang lock at awtomatikong bumukas ang glass door. Sabay na lumingon sa direksyon ko ang dalawang lalaki na nasa loob ng kuwarto. Prenteng nakaupo si One sa swivel chair ni Uno habang nakatayo naman sa harap ng presidential table si Cliffer. Muli kong naramdaman ang pagkulo ng dugo ko nang makita ang walang reaction na mukha ni One. Naniningkit ang mga matang lumapit at tumayo ako sa harapan niya. "Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?" mariing bungad ko sa kanya. Uno's room was fully soundproof. Walang sino man mula sa labas ng kuwarto na ito ang makakarinig sa kung ano man ang pinag-uusapan dito sa loob. Tinted din ang glass wall kaya hindi rin kami nakikita ng mga ka-team ko na nagtatrabaho lang sa ibaba. Kaya naman hindi namin kailangang magpanggap. "Kung ano ang kailangan kong gawin," balewalang sagot ni One. "At kailangang tanggalin sa trabaho sina Rowan, Jasper and even Fayre?" "May dahilan kung bakit sila tinanggal sa trabaho." Tumaas ang kilay ko. "Really? Kilala mo ba sila?" "I don't need to know them." "Of course, you don't," sarkastikong sagot ko. "That's why it's easy for you to terminate them. You don't care kung makatarungan ba ang ginawa mong pagpapatanggal sa kanila. You don't even care kung may malilipatan na ba sila bago mo sila patalsikin." "Skye, calm down." Hindi ko pinansin si Cliffer. Nakatuon lang ang buong atensiyon ko sa lalaking nagpapakulo ng dugo ko simula nang umuwi ng bansa - kay One. Marami akong sinabi sa kanya tungkol sa contribution ng tatlo sa MG-Tech In. Kung gaano sila ka-dedicated sa trabaho. "Matagal na silang nagtatrabaho sa kompanyang ito ni Uno. And Rowan is part of the new game project that was supposed to launch this fourth quarter. He's one of the main developers. Si Jasper naman ang Head at in-charge sa network security ng kompanya. Paano mo nagawang tanggalin sila sa trabaho nang basta-basta lang? They were loyal employees of MG-Tech In. At ako ang sinisisi nila sa pagkakatanggal nila sa trabaho." "Sorry about that." Ikinuyom ko ang mga kamay ko para pigilan ang galit. He was saying sorry, but he didn't look sorry at all! "What about Fayre? Anong rason at tinanggal mo siya? She's Uno's executive secretary. How could you terminate her so easily? Isa si Fayre sa mga pinagkakatiwalaan niya sa pagpapatakbo ng kompanya." Bahagyang tumaas ang sulok ng labi ni One. "Really? Mukhang hindi iyan ang pagkakaalam ko." Mas lalo akong nanggalaiti sa galit. I have this strong urge to erase that stupid smirk on his face. He's so damn annoying! Tsk. Pero, pinigilan ko pa rin ang sarili ko. Hindi ko ipapakita sa kanyang naiinis at nagagalit ako. Ako lang ang lalabas na talunan sa sagutan naming ito. Umayos ako ng tayo at nang-uuyam na ngumisi sa kanya. "Bakit? Ano bang alam mo? Isang pekeng Uno ka lang naman na humaharap sa ibang tao on behalf of him." Mukhang tinamaan siya sa sinabi kong iyon. Naglaho ang nakakainis na ngisi niya kanina at naging seryoso ang hitsura niya. "Kung ikaw si Uno, buo ang tiwala mo sa mga tao mo. Kung ikaw si Uno, mas mananaig ang simpatiya mo sa mga empleyado lalo na sa oras ng pangangailangan. Kung ikaw si Uno, hindi mo gagawin ang hindi makatarungang pagpapatalsik sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. But, seeing you right now, I don't think you are acting like him," pahayag ko. "Skye, enough." Hindi ko pa rin pinakinggan si Cliffer. Mariin akong tumitig kay One at sinalubong ang mga mata niya. "You will never be like him." "Skye-" Bahagya akong nagulat at hindi na rin naituloy ni Cliffer ang sinasabi nang mariing hampasin ni One ang mesa at biglang tumayo. Mariing nakatuon ang mga kamay niya sa mesa at diretsong tumingin sa mga mata ko. His cold and blank stare sent shivers down my spine. "I don't have all the time in the world to hear your blabbering, Montenegro." His voice was calm, but I could sense the anger on it. "Cliffer, do me a favor. Explain to her what she needs to know. Dahil mukhang hindi pa rin niya naiintindihan kung ano'ng ginagawa ko rito." He said those words without breaking our eye contact. "Ako na'ng bahala sa kanya, One. Ipapaliwanag ko ang dapat niyang malaman." Clearly, he was dismissing me. Pinaningkitan ko siya ng mga mata sa kabila ng kaba at takot na nararamdaman ko. "Let's talk outside, Skye."  Before I could say anything, Cliffer held my hand, gently dragging me away from One.  Sa huling pagkakataon, tiningnan ko nang masama ang kakambal ni Uno bago tuluyang nagpatangay kay Cliffer palabas ng opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD