SKYE
Dinala ako ni Cliffer sa conference room ng Design and Development Department. Mabilis niyang ini-lock ang pinto. Soundproof din ang kuwartong ito kaya wala ring makakarinig sa pag-uusapan namin.
Hindi pa rin humuhupa ang matinding inis at galit ko kay One kaya si Cliffer naman ang napagbalingan ko. "What the hell is going on here? Bakit kailagang tanggalin sa trabaho sina Rowan, Jasper at lalo na si Fayre?"
"Calm down, Skye," he said, taking a deep breath.
"How could I? May ginagawa si One na hindi dapat gawin ni Uno!"
"Ginagawa ni One ang dapat gawin ni Uno," mariing sagot niya.
Nagsalubong ang kilay ko. "Anong sinasabi mo diyan? Na kagustuhan ni Uno na tanggalin sa trabaho ang mga empleyado niya?"
"One just carrying out Uno's decision, Skye."
It's Uno's decision? No. It couldn't be, hindi makapaniwalang sambit ko. Pinagkakatiwalaan ni Uno ang mga empleyado niya.
"No, Cliff. Hindi magdedesisyon nang ganyan si Uno. Hindi niya tatanggalin ang mga empleyadong loyal sa kanya. Especially Fayre."
"They weren't loyal, Skye. Especially that woman."
Saglit din akong natigilan. Sinabi niya iyon na para bang sigurado siya sa bagay na iyon. "Fayre is working as Uno's executive secretary for five years now. She wouldn't work for that long if she wasn't loyal to him," I reasoned out.
May itinaas na folders si Cliffer. "Look at these folders," utos niya habang iniaabot ang mga iyon.
Ngayon ko lang napansin na may hawak pala siya no'n. Kinuha ko iyon mula sa kanya. "Ano ang mga ito?"
"See for yourself."
Binuklat ko ang mga iyon at halos magsalubong ang mga kilay ko sa mga nababasang impormasyon. May ilan naman sa mga iyon ang naintindihan ko, pero ayaw maniwala ng isang bahagi ng utak ko. Hindi nila ito gagawin kay Uno. Hindi ito gagawin ni Fayre.
"A-ano 'to, Cliffer?" nanginginig ang boses na sambit ko.
"Iyan ang mga ebidensiya na nagpapatunay at nagdidiin sa mga ginawa nila para matanggal sila sa trabaho. At ang mga ebidensiyang iyan, kay Uno mismo nanggaling."
Hindi ako makapaniwala sa mga nabasa ko. Hanggang ipaliwanag sa 'kin ni Cliffer ang totoong dahilan kung bakit tinanggal sa trabaho ang tatlong iyon.
Si Rowan ang nag-copy ng mga confidential data, concepts and source codes ng new game project namin. Dahil isa siya sa game developers, of course may access siya sa mga iyon. Hindi dapat madaling makuha at ma-tranfer ang mga files dahil sa higpit ng network security. Unless someone weakened the network security. At lumalabas sa imbestigasyon na si Jasper ang gumawa niyon. Malinaw na may nilabag sa company policy kaya sila tinanggal sa trabaho.
While Fayre... Sa kanya ibinigay ang files at data na iyon. At iyon ang naging dahilan para makuha ng rival company ang idea and concepts ng game project. In short, si Fayre ang nag-leak ng new game project ni Uno. Iyon nga lang, hindi pa malinaw kung saang company direktang nagtatrabaho ang babae. Sa pagkakaalam ko kasi, may tatlong game companies na kakompetensiya si Uno. At base sa imbestigasyon, napasakamay ng tatlong iyon ang mga data.
Ang sabi pa ni Cliffer, when One interrogated the three of them, Rowan and Jasper didn't know anything about the rival companies. Ginawa lang nila ang utos sa kanila ni Fayre dahil akala nila, iyon daw ay utos din ni Uno. Malamang sumunod nga ang dalawang lalaki dahil nagtatrabaho ang babae kay Uno.
Tumangging magpaliwanag si Fayre. Matigas din ang pagtanggi nito na nagtatrabaho sa isa sa mga rival company ni Uno. Tikom ang bibig nito at walang sinabi kung kanino direktang ibinigay ang confidential files.
"She's the traitor, Skye."
Halos mabitawan ko ang folders na hawak ko. Hindi ko magawang magsalita. Nasa mga kamay ko na ang mga ebidensiyang nagtuturo na may ginawang kasalanan si Fayre, pero hindi ko pa rin magawang maniwala. Bakit niya iyon gagawin? She worked really hard for this company. To help Uno. At minsan din niyang sinabi sa 'kin na loyal siya kay Uno kaya hindi ko naisip na magagawa niyang traydurin ito.
"N-no, Cliff. It couldn't be," wala sa sariling sambit ko habang umiiling-iling. "H-hindi iyan magagawa ni Fayre. Wala rin akong narinig na reklamo mula kay Uno tungkol sa kanya. Besides, magkaibigan na rin kami ni Fayre for five years. B-baka nagkakamali kayo ng bintang sa kanya."
Matamang tumitig sa 'kin si Cliffer bago huminga nang malalim. "Masabi mo pa kaya iyan oras na mapanood mo ito?" sabi niya bago inilabas ang phone niya. May pinindot muna siya roon bago iniabot sa 'kin.
Kinuha ko iyon at matamang tiningnan ang screen niyon. Nagpe-play ang isang video. Nakatalikod na babae ang nakaharap sa camera. At base pa lang sa likod, mukhang kilala ko na kung sino ito - si Fayre. Medyo kumunot ang noo ko nang ilang segundong likod lang nito ang ipinapakita sa video.
"Anong meron dito, Cliff?"
"Just watch it, Skye," sagot niya. "And watch it carefully," mariin pang dugtong niya.
I did as I was told. Hindi ko inalis ang tingin sa video na pinapanood ko. At first, walang nangyayari. Nakatayo lang si Fayre habang parang nagsasalita. Dahil wala iyong sound, hindi ko rin mapakinggan ang sinasabi niya. Hanggang sa dahan-dahan siyang lumapit sa malapad na table at itinuon ang mga kamay roon. Bahagya rin siyang yumuko at inilapit ang mukha sa taong kausap.
Doon ko nakita kung sino ang lalaking kausap ni Fayre. Si One. Seryoso at walang anumang emosyon habang nakaupo sa likod ng table. Napansin ko ring ang mga suot nila ay ang mga suot nila ngayong araw. If I'm not mistaken, kanina lang ito nangyari.
Bahagyang kumunot ang noo ko nang mas lumapit pa ang mukha ni Fayre sa mukha ni One. As if she was about to kiss him, pero pasimpleng nag-iwas ng tingin ang lalaki. Nanatili naman sa gano'ng posisyon ang babae habang bumubuka ang bibig ni One at kinakausap siya. Hanggang sa tumayo ng tuwid si Fayre at ginawa ang isang bagay na hindi ko inaasahang gagawin niya sa harap ng kausap.
She took her dress off. And what's more shocking? She wasn't wearing bra and underwear under her dress!
Halos manlaki ang mga mata ko at manginig ang mga kamay ko habang pinapanood ang video. Nakatayong hubo't hubad si Fayre sa harap ni One!
Hindi ko makita ang reaction ni One dahil nahaharangan iyon ng hubad na katawan ni Fayre. Ang hubad na likod niya ang nakikita sa camera.
Anong ginagawa niya? Bakit siya naghubad sa harapan ng isang lalaki? At sa harapan pa mismo ni One na siguradong iniisip niyang si Uno?
Ilang sandali pa, tumayo mula sa kinauupuan si One at lumapit sa kanya, huminto sa harapan niya. Hindi lang ako sigurado kung saan nakatingin si One. Sa mukha ba ni Fayre o sa hubad at seksing katawan ng babae.
Napasinghap ako nang biglang yumuko at lumuhod si One. Akala ko ay kung ano na ang gagawin niya, pero dinampot niya ang dress na nasa paanan ni Fayre at ipinatong sa balikat nito.
Dahil matangkad si One at halos umabot lang sa baba niya ang taas ng kaibigan ko, nakita kong bumuka ang bibig niya at may sinabi rito. Ilang sandali pa silang nag-usap hanggang sa tumalikod si One kay Fayre. At doon naputol ang video.
Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Nakatingin pa rin ako sa hawak na phone hanggang sa kunin iyon ni Cliffer mula sa mga kamay ko. Kumurap-kurap ako bago binalingan siya ng tingin. "A-ano 'yon, Cliffer? Ano 'yong nakita ko?"
Tumaas ang isang kilay ni Cliffer. "Isn't it obvious? Your so-called friend was seducing her own boss."
Halos manlambot ako at mapaupo sa upuan nang direktang sabihin na iyon ni Cliffer. Although I know what she just did, but my mind refused to believe it.
"And just so you know, this is not the first time that she did it to Uno."
"What?"
"Though, this is the first time that she tried to seduce One. But, nevertheless, it's the fact that she was trying to seduce Uno."
"No," I uttered, shaking my head. "Bakit niya gagawin iyon? Boss and secretary lang ang relasyon nila. At magkaibigan kami ni Fayre," sabi ko. Sinusubukan kong kumbinsihin hindi lang si Cliffer kundi pati na rin ang sarili ko.
"Maaaring kaibigan ang turing mo sa kanya, Skye. Pero ang tanong, itinuring ka rin ba niyang isang tunay na kaibigan?" tanong ni Cliffer. "Believe me. Walang matinong kaibigan ang mang-aahas at lalandi sa fiance ng isang kaibigan."
Hindi agad ako nakasagot. Mariing pinoproseso ng utak ko ang mga sinabi ni Cliffer. Hindi ko naisip na may hidden desire si Fayre sa fiance ko. At lalong hindi sumagi sa isip ko na maaaring nilalandi na niya si Uno behind my back!
"B-bakit walang sinasabi si Uno? Kung alam niyang nilalandi na siya ng secretary niya, bakit wala siyang sinasabi sa 'kin?"
"Dahil wala siyang matibay na ebidensiya. Isang beses lang itong nagpakita ng lantarang pang-aakit kay Uno at pinagsabihan niya ang babae. She didn't make a move after that. Pero, kapag may pagkakataon at lalo na kapag sila lang dalawa, pasimpleng mang-akit si Fayre. Hindi lang iyon pinapatulan ni Uno dahil hindi naman din siya interesado sa babae." Nagkibit-balikat si Cliffer bago ngumisi. "Besides, alam ni Uno na kaibigan mo si Fayre. And that you trust her too much."
Parang may kung anong pumiga sa puso ko sa sinabing iyon ni Cliffer. Right. I trust and respect Fayre so much. To the point na hindi ko naisip na magagawang landiin ng kaibigan ko si Uno.
Natatandaan ko na minsan na rin akong binalaan ni One tungkol kay Fayre. That I shouldn't trust her too much. Naramdaman ba niya na hindi talaga ito dapat pagkatiwalaan?
"...Dahil wala ka talagang kaalam-alam. Slow ka na nga, tanga ka pa. Buti nga napagtiyagaan pa kita ng limang taon."
Mapait akong ngumiti nang maalala rin ang mga sinabi ni Fayre kanina. Pinagtiyagaan niya lang ako. Nakisama lang siya. And all along, pagpapanggap lang ang lahat ng ipinakita niya sa 'king kabaitan at pakikipagkaibigan.
Mariin kong ikinuyom ang mga kamao ko. Muli akong nakaramdam ng inis at galit ko. But this time, it was directly to Fayre.
Sinong mag-aakala na sa kabila ng mala-anghel niyang mukha at pangalan ay may nakatago palang kalandian at kasamaan sa pagkatao niya? How could she do this to me?
~~~
FAYRE
That b***h! mariing sambit ko sa sarili ko.
Nandito ako ngayon sa cafe na malapit lang sa MG-Tech In. Nagpapalamig ng ulo pagkatapos ng nangyari kanina. Alam kong sa mga oras na 'to, alam na ni Skye ang totoong dahilan kung bakit ako tinanggal sa trabaho. As for the two stupid guys, the hell I care with them. Ginamit ko lang naman sila para sa plano namin.
And of course, Uno would definitely tell her about it. At malamang sinabi rin ni Cliffer ang pang-aakit na ginagawa ko sa ex-fiance ni Skye. Isa ring pakialamero ang lalaking iyon, eh. Ramdam ko rin naman na hindi ako gusto ni Cliffer noong una pa lang. He's just not vocal about it. Psh!
And yes. Ex-fiance. Mas gusto kong isipin na ex-fiance na ni Skye si Uno dahil hindi na naman matutuloy ang kasal nila. And I'm glad the wedding has been cancelled. And f*****g yes again. Uno na lang ng tawag ko sa ex-boss ko. I like it more calling him by his name only. Besides, isa lang ang 'boss' ko.
And speaking of my boss, alam na niya ang nangyari sa 'kin. And he was already ordering me to report to him as soon as possible. Pag-uusapan daw namin ang next plan. Hindi pa rin kasi ako puwedeng madiskubre na nagtatrabaho ako kay boss directly. Siguradong mag-iimbestiga pa rin daw ang mga Montecaztres sa nangyaring insidente at ayaw nilang mag-lead ito sa kanila. Sinabi ko na lang kay boss na mag-rereport ako bukas.
I admit, I got scared and relieved at the same time when I heard what happened to Uno. Natakot ako dahil akala ko, talagang nagtagumpay na ang planong patayin siya. Lalo na at nalaman pa naming na-comatose din siya ng ilang araw. But then, I felt relieved when I heard he already woke up.
Alam ko ang planong patayin siya. That was the boss' plan. At wala kaming magagawang mga tauhan kundi ang sundin ang utos ni boss. Kung hindi kami susunod, kami ang papatayin. Mahigpit lang ang security sa hospital kung saan na-confine si Uno kaya walang makalapit sa kanya at hindi magawang patayin ulit.
Kinuha ko ang baso ng mango shake ko at ipinaikot-ikot muna ang straw bago ako sumimsim doon. At hindi ko naiwasang maalala ang naging pag-uusap namin kanina ni Uno. And what did I do.
The moment he told me I was fired, it didn't surprise me. Alam ko naman na matagal na niya iyong gustong gawin. Hindi niya lang magawa dahil sa girlfriend niya.
Yes. All along, I was just using Skye Lei Montenegro. At ang tangang babae, nagpagamit naman. Sobra siyang nagtiwala sa 'kin. Hindi niya alam na kinikilabutan ako sa tuwing kumakapit at ngumingiti ako sa kanya. Umiikot ang mga mata ko sa kabaitan niya. Lihim ko siyang tinatawanan sa tuwing kaibigan ang turing niya sa 'kin. And I was glaring at her every time she's with him. Nakipagplastikan ako sa kanya ng limang taon at hindi man lang nakahalata ang gaga.
Naalala ko ang hitsura ni Skye kanina habang sinisisi ko siya sa mga nangyari. And I almost laugh when I saw the pain and sad expression on her stupid face. Talagang iniisip niya na magkaibigan kami sa loob ng limang taon.
Napangisi ako. Ang laki niya talagang tanga at gaga.
Siniraan ko rin siya sa dalawang tangang lalaki kanina para sisihin din ng mga ito si Skye sa pagkakatanggal nila sa trabaho. Yes, I did all of that to look like she was the bad person here. Mukhang wala pa naman kasi siyang kaalam-alam sa ginawa ni Uno. And I'm sure she would confront him about it. At iyon nga ang gusto ko. Ang mag-away silang dalawa hanggang sa maghiwalay sila.
Pero, mukhang malabo pa sa ngayon. Mahal na mahal ni Uno ang babae. Psh!
Uno tried to interrogate me who and where am I working. And I told him that I'm willing to tell him if he would sleep with me. But, damn that gorgeous man! He flatly rejected me!
Though, I didn't give up easily. I tried to seduce him even more. I even took off my clothes in front of him. I didn't wear any bra and underwear.
Oo. Pinaghandaan ko talaga iyon. Kung mawawala rin naman ako sa kompanyang iyon, mas mabuti pang isagad ko na ang pang-aakit sa kanya.
Na-excite ako nang tumayo siya at lapitan ako. Kumpiyansa akong may mangyayari sa 'min. Wala pang lalaki ang hindi nag-init sa tuwing nakikita nila ang maganda kong katawan.
Akala ko, nagtagumpay na ako sa pang-aakit sa kanya lalo na nang yumuko at lumuhod siya sa harap ko. Pero, nang mabilis din siyang tumayo, bahagya pa akong nagulat nang hindi ko man lang makitaan ng pagnanasa ang mga mata niya. At hindi ko rin inaasahan ang sunod niyang ginawa.
Itinaas at ipinatong niya sa balikat ko ang dress na hinubad ko. His cold and blank eyes staring straight at me. "If you couldn't respect me as your boss, at least respect yourself as a woman."
Hindi ko napigilang mapangiti nang maalala ang eksenang iyon sa pagitan namin ni Uno. Parang mas lalo akong nauhaw kaya muli akong humigop sa baso ng mango shake na hawak ko.
I should be ashamed of myself after hearing those words. But, no. It was the exact opposite. Mas lalo akong na-excite at kinilig sa kanya.
The more I stare at those cold eyes and serious face, mas lalo akong nag-iinit at lumalalim ang pagnanasa sa kanya. Mas lalo kong gustong tibagin ang pader na nakapalibot sa pagkatao niya.
He was definitely Uno Montecaztres. But, why do I have this kind of feeling that I was seeing someone else? Friendly at madalas nakangiti si Uno. Although, minsan ko na ring nakita ang kaseryosohan niya, pero iba ang kaseryosohang nakikita ko sa kanya kanina. At iyon din ang kaseryosohang nakita ko sa kanya nang makita ko sila ni Skye sa botique shop ng wedding planner nila weeks ago.
And I like it more. Because that kind of look was seriously turning me on! At isipin ko pa lang na gano'ng tingin ang ibibigay niya sa 'kin while we're having s*x, baka ilang beses din akong mag-o****m sa intense ng mga titig niya.
Naglaho ang ngisi sa mga labi ko nang biglang pumasok sa isip ko si Skye. Napaismid ako at naningkit ang mga mata ko. Until now, hindi ko pa rin maisip kung ano ba ang nakita ni Uno sa babaeng iyon. There's nothing special about that naive girl. Kung tutuusin, nakakainis pa nga ito. And she deserved that slap I gave her earlier.
Anyway, I don't need to worry about her. Kung may nangyari mang maganda ngayong araw, iyon ay ang pagpapatalsik nila sa 'kin sa kompanya. Why? I don't need to hold back in seducing him anymore. And whoever will try to stop me, I won't give a damn.
Uno Montecaztres is still a guy. And a guy like him couldn't resist a sexy woman like me. I would definitely do anything and everything to get him. And I'll do whatever it takes just to have him. And even Skye Lei Montenegro couldn't stop me.
I'll steal him away from her. And Uno Montecaztres will be mine!