"I PROMISE" si Lana na matamis munang ngumiti bago hinaplos ang mukha ng binata. Iyon lang at hinalikan na siya ni Andrew. Kasabay niyon ang muling paglilikot at panggagalugad ng kamay ni Andrew sa bawat parte at kurba ng katawan ni Lana. Ilang sandali lang at mula sa pagkakapikit ay naramdaman ng dalaga ang tila banayad na paghaplos ng kung ano sa katawan niya na nagdudulot ng kakaibang kilabot at masarap sa sensasyon kay Lana. Nagdilat siya ng paningin at bumitiw sa pagkakahalik sa binata. Noon nga niya napag-alaman na rose pala ang ang hawak ni Andrew na siyang inihahaplos ng binata sa katawan niya. Napuno ng init ang damdamin ni Lana dahil sa ginawing iyon ng binata. Pagkatapos ay muli siyang hinalikan ni Andrew. Sa pagkakataong iyon ay wala na sa kamay nito ang bulaklak kaya nam