"L-LOVE? Mahal mo ako?" ang hindi makapaniwalang tanong ni Lana habang patuloy sa pag-agos ang masaganang luha sa magkabila niyang pisngi. Noong tuluyang lumuhod sa harapan niya ang binata saka sinapo ng mga kamay nito ang kaniyang mukha. "Sobrang mahal na mahal Lana" si Andrew na inilapit ng husto ang mukha sa kaniya saka siya masuyong hinalikan. Lalong napaiyak sa narinig niya ang dalaga. "T-Talaga?" nang pakawalan ni Andrew ang mga labi niya. Tumango si Andrew saka siya niya ng mahigpit. "Kung alam ko lang na ganito pala kasarap sa pakiramdam na malaman mo kung ano ang totoong nararamdaman ko para sa'yo, sana matagal ko ng inamin sa'yo. I'm so sorry if I made you wait to hear what you need to hear" naramdaman niya sa binata ang katapatan ng mga salita nito kaya lalong napuno ng mat