"MAGPAPAKASAL na kayo?" masaya ang tono ng boses ni Mama Cecille pero wala roon ang pagkagulat na siyang inaasahan ni Lana kaya siya ang totoong nasorpresa. "Iyan lang ang sasabihin mo, Mama?" nang hindi makatiis ay naitanong pa niya kasabay ng hindi sinasadyang pagsasalubong ng kaniyang mga kilay. Tumawa ang Mama Cecille niya saka pinaglipat-lipat ang paningin sa kaniya at kay Andrew na nakangiti nakikinig lang. "Ano bang inaasahan mong reaksyon galing sa akin Lana? Hindi mo ba gusto itong ganito? Masaya ako na siya namang totoo" anito. "magkakaroon na ng masaya at buong pamilya ang apo ko, ano pa bang reaksyon ang kailangan kundi ang maging masaya?" pagpapatuloy ng matanda. Hindi nakapagsalita roon si Lana at sa halip ay sinulyapan si Andrew na katabi niya sa mahabang sofa habang si A