"NAGBIBIRO ka ba?" ang hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Marius ilang araw matapos ang pormal na engagement nila ni Andrew. Nasa opisina niya si Marius na sorpresa siyang binisita. Mula sa binabasang papeles ay nag-angat ng tingin niya si Lana. "Mukha ba akong nagbibiro?" alam niyang hindi nagustuhan ni Marius ang sinabi niya. Pero dahil nga mahalaga ang binata sa kaniya ay mas pinili niya ignorahin iyon at gawing pabiro ang kaniyang tono saka sinundan ang sinabi ng mahinang tawa. Bitter ang tawa na pinakawalan ni Marius. "Hindi talaga kita maintindihan Lana" anitong sinundan ang sinabi ng isang mabigat na buntong hininga. Noon nagtaas-baba ang dibdib ng dalaga saka pagkatapos ay ibinalik ang paningin sa hawak na papel. "Actually, aside kay Mama ikaw ang isa pang tao na alam kon