Kabanata 24 Agad akong tumalikod at bamalik sa paborito kong parke. Ngunit agad akong napatigil sa paghakbang pasulong nang makita ko si Zsakae at ang dalagitang si Angelika. " "Ibalik mo na ako sa amin!" singhal niya kay Zsakae. "Hindi ko gagawin iyon," kalmadong wika naman ni Zsakae sa kanya. "Nandidiri ako sa iyo!" singhal niyang muli. "Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na hindi ako ang pumatay sa mga magulang mo. Nagkataon lang na dumaan ako sa lugar na iyon." Bigla niyang sinampal si Zsakae. Umawang ang aking bibig. Totoo? Sinampal ko siya noon? Nailing ako sa aking sarili. Akmang sasampalin niya ulit si Zsakae ngunit nasalag nito ang kanyang kamay. Niyapos siya ni Zsakae sa kanyang baywang at biglang hinagkan ang kanyang mga labi. Napatanga ako sa aking nasaksihan. Natawa a