Huling Kabanata Dahan-dahan akong napadilat nang madama ko ang mga haplos sa aking mukha. "Masama ba ang iyong panaginip mahal ko?" Natigilan ako at agad na napabangon. Agad kong napahiran ang aking mga pisngi. Basang-basa ito ng aking mga luha. Ngunit ang labis na pumukaw sa aking atensyon ay ang eksena naming dalawa ngayon ni Zsakae. Pareho kaming nasa kama. Napasinghap ako nang maalala ko ang nangyari sa amin at agad na bumaling sa kanya. Walang pasabi ko siyang tinalon at yumakap ng mahigpit sa kanya. "Buhay ka!" umiiyak kong wika. "Hindi naman ako nawala, Gel. Anong pinagsasabi mo mahal ko?" aniya. Nag-angat ako ng aking ulo upang siya’y titigan ng seryoso. Walang bahid ng pag-arte ang mukha nito. Nasuntok ko ang kanyang dibdib. "Sinungaling ka! Alam mo kung ano ang nangyari sa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books