Kabanata 44

1542 Words

DAHAN-DAHAN kong binuksan ang pinto pagkatapos ng dalawang katok. Naabutan kong nakaupo si Miranda sa paanan ng kama kung saan sa pinakagitna ay tulog na tulog si Jelo. Nag-angat siya ng mukha nang pumasok ako. Isinarado ko ang pinto at lumapit sa kaniya. Inilapag ko sa kama ang shopping bag na dala ko. May laman ang bag na ilang pirasong damit na maisusuot ni Miranda. Isinadya pa ng secretary ko ang mga iyon sa flat kanina-kanina lang. “Ito pala ang mga damit na pwede mong isuot pansamantala. Pabibilhan kita mamaya sa secretary ko, pero kung okay ka na, pwede namang ikaw na ang bumili ng damit mo at iba pang kailangan mo para alam mo kung anong mas tama at mas bagay sa’yo. Pasasamahan na lang kita kay Emelda.” Hindi kumibo si Miranda. Hindi rin siya kumilos para tingnan ang laman ng ba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD