HUMARANG si Israel sa daraanan ko. “Anong ibig mong sabihin na para kay Jelo ang sampal na ‘yon, Miranda?” matamang tanong niya habang pinanliliitan ako ng mga mata. “May kasalanan ba’ko kay Jelo na hindi ko alam?” Natilihan ako, pero hindi nagpahalata. Marahas kong pinahid ang mga luha ko at saka itinaas ang mukha kay Israel. “Simple lang ang ibig kong sabihin, Mr. Napoleon. Para ‘yon sa kawawang si Jelo na hindi na inabutang buhay ang Ate Andy niya dahil pinatay na ito ng mismong taong pinagkatiwalaan at pinaglaanan ng sinasabi mong pangarap.” Hindi siya agad nakasagot. Nawala ang pagdududa sa mukha niya. Binaha ng guilt ang imahe ni Israel at sa nakikiusap na tono ay nagsabi, “That’s why I want to help you out, Miranda. Gusto kong bumawi sa mga nagawa ko. Gusto kong humingi ng tawad

