“SAAN ka pupunta?” bungad ni Tita Liza nang makitang bihis ako at paalis. “Akala ko ba hindi ka muna papasok sa canteen ngayong araw?” “Hindi nga po. Pero kailangan kong sumaglit sa canteen para maka-attend sa meeting namin sa Bise Presidente ng planta. Attendance is a must daw po kasi kaya pinatawagan ako ng amo namin kay Tintin.” Nagpaalam ako na hindi muna papasok sa araw ng Lunes para makapagpahinga pa. Wala naman na'kong lagnat at hindi na masama ang pakiramdam ko, pero kagagaling ko lang din sa panggabing trabaho sa resto-bar at ayokong sagarin ang lakas ko. Tamang-tama nga na sarado ang resto-bar kapag Lunes ng gabi. Makakapagpahinga talaga ako at kinabukasan na lang babalik sa mga trabaho. Alam kong madalas na matigas ang ulo ko, pero takot akong magkasakit. Ayokong pabayaan ang

