Kabanata 54

2430 Words

“THAT was a good one! Hangang-hanga agad sa’yo ang Vice Mayor natin!” Napangiti ako sa binungad sa akin ni Jarmaine. Sabado noon at katatapos lang ng practice namin sa public auditorium. May iilang tao ang nanood. Narinig ko nga rin na dumaan ang Vice Mayor para saksihan ang mga nagsasanay kabilang na ang grupo namin. “Magaling ang choreographer na kinuha mo. Madaling sundan ang steps niya,” ngiti ko. Kasabay ko kaninang nagpalit ng damit si Tintin. Nauna nga lang umuwi ang isang iyon at may bibilhin pa raw, pero alam kong umiiwas lang si Tintin na sumabay sa amin ni Jarmaine. “Ihahatid na kita sa inyo.” Inagaw niya sa’kin ang bag na dala ko at pinauna ako palabas. Ilang araw pa lang mula nang lumipat kami ng bahay, pero nakikita ko na ang pagpupursige ni Jarmaine. Seryoso nga siguro

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD