PARA akong namalikmata nang makita kung sino ang taong nakahiga sa kama sa loob ng kwartong pinagdalhan sa akin ni Troy. Bumagal ang aking paghinga. Binayo nang malakas ang dibdib ko at panay ang laglag ng aking mga panga. Lumapit sa’kin si Troy at kaswal na nagsalita. “Tatlong oras lang ang epekto ng gamot, Sir. Mamaya rin ay magigising na si Ma’am Miranda. Iiwan na ba namin kayo?” Hindi ako makasagot. Natutulala pa rin ako at iniisip kung talaga bang nagawa ni Troy ang bagay na’to. Tila may puputok na ugat sa ulo ko habang pinagmamasdan ang taong mahimbing na natutulog. Kanina lang ay matapang niyang ipinagtatanggol ang sarili kay Joanna, pero ngayon ay wala siyang kamalay-malay kung anong sitwasyon niya. “Guys, I think we better go-” “Sandali.” Nahanap ko rin sa wakas ang boses ko

