“YOU know what I mean, Angel. Paano ba natin nabuo si Jelo?” Nag-init ang mukha ko at mahigpit na napalunok. “H-h’wag mo nga ‘kong tinatakot, Israel! Hindi mo na'ko matatakot ulit!” “H’wag mo rin akong hinahamon, Miranda. Mahirap akong hamunin.” Hindi ko pinansin ang sinabi niya. “Bi-bi…tiwan mo nga ‘ko!” nauutal na sabi ko. Ngumisi siya at umiling. Namilog ang mga mata ko. Lalong sinasal ng kaba ang aking dibdib. Sinubukan kong kalagin ang braso niya sa baywang ko, pero imbes na mabaklas, pumulupot na rin ang isa pa niyang braso sabay hapit sa katawan ko. “Israel, bitiwan mo’ko.” Mas mahinahon ang pagkakasabi ko noon, pilit pinaiibabaw ang katatagan ko. Hindi siya nakilos. Naglakbay ang nakakalusaw na titig niya sa mukha ko hanggang sa leeg. Siguradong namumula ang balat ko dahil

