Kabanata 69

2327 Words

NAGBIBIHIS na si Israel nang mapasukan ko sa aming kwarto. Hanga rin naman ako sa kaniya dahil kahit anong puyat at pagod sa nagdaang gabi, maaga pa ring nagising kanina para makipaglaro sa anak bago gumayak para pumasok naman sa trabaho. "Handa na ang breakfast." Lumapit ako at tinulungan siyang ibutones ang magkabilang sleeve cuffs. "Nauna na pala si Wesley dahil kailangan niyang umalis nang maaga." Tumango siya. “Si Jelo?” “Hayun. Binibihisan ng Lola Isay niya. Tumatanggi pa nga at kaya na raw niyang magbihis mag-isa. Ang anak mo talaga, five years old pa lang gusto nang maging kagaya ng Tito Wesley niya.” “Kapag nakikita n’yong kaya na niya, hayaan n’yo lang. Kapag hindi n’on kaya, siguradong ikaw rin ang una niyang tatawagin.” “Sa tingin mo ba? Hindi kaya ikaw dahil alam mo na…

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD