“WHAT happened?” Nagulat ako nang pumasok si Israel sa aming kwarto. Mabilis kong pinunasan ang mga pisnging nabasa ng luha at tumayo. “I-Israel? B-bakit ka umuwi? May problema ba?” Hindi siya sumagot at pinagmasdan lang ako. Pinilit ko tuloy ang isang ngiti. Kasalukuyang kumakain na ng tanghalian sina Tita Liza at Jelo at nagpaalam akong magpapahinga sandali dahil masakit ang ulo. Alam ko kasing hindi ako makakakain pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Joanna at ayokong makahalata sina Tita Liza na may dinaramdam ako. “A-ah...s-sasabay ka bang mag-lunch sa anak mo? Sandali, ipaghahain kita-” “Miranda." Hinawakan niya ako sa braso. Humarap ako sa kaniya. "Tinawagan ako ni Troy. May bisita ka raw na dumating at nalaman ko na si Joanna 'yon. Anong ginawa niya rito?” Sandali akong hi

