ANG sekretarya ni Israel na si Emelda ang tumawag at nagbalita sa’kin ng nangyari. Kalmado ako nang magpaalam kay Tita Liza na pupunta sa ospital. Malinaw kong isinalin dito ang mga narinig ko mula kay Emelda. Worried si Tita Liza at ako pa ang nagsabi na h’wag siyang mag-alala. Ibinilin ko sa kaniya si Jelo na hindi alam na aalis ako at pagkatapos noon ay nagpahatid na agad ako kay Nate papunta sa ospital kung saan isinugod si Israel. Nang nasa daan na kami, doon ko na nailabas ang totoong nararamdaman ko. Hindi pa alam ni Emelda kung ano ang eksaktong nangyari, pero ang sabi niya ay nawalan ng malay si Israel sa opisina ni Mr. Napoleon. Binaha ang dibdib ko ng pag-aalala. Sunod-sunod sa pagpatak ang mga luha ko habang iniisip kung ano ang dahilan ng pagkawala ng malay niya. May sakit b

