NAKITA ako ni Ate Norma na bumababa ng hagdan. “Andy, papasok ka na? Ang aga mo naman! Baka hindi mo alam na alas sais pa lang?” Malumanay akong tumango. “A-alam ko, Ate. Inagahan ko talaga dahil may kailangan akong gawin sa school,” paliwanag ko. “Ah, kayo na ni Leah ang bahala kay Wesley mamaya pagpasok niya. Tatawag na lang ako para i-check siya.” “Mag-almusal ka muna. Ipaghahanda kita nang mabilisa-” “Hindi na,” mabilis na tanggi ko. “Pakitawagan na lang ako ng taxi para makaalis na’ko.” Natigilan si Ate Norma. May pagtataka sa mukha niya nang pagmasdan ako. Dinukot ko ang cellphone sa bag at nagkunwang nagte-text, pero iniiwasan ko lang na mapansin niya ang mga mata ko. Namumugto kasi ang mga iyon at tinakpan ko lang ng makeup. Maya-maya ay itinago ko na ulit ang cellphone at

